"Ano bang sinasabi mo?" Napakurap ako nang ilang beses nang sabihin niya iyon. May konting kakaiba akong naramdaman, ngunit mas nangibabaw ang pagtataka ko sa sinabi niya.
"Nothing. Just forget it," aniya at iniwan akong puno ng pagtataka.
Nagsalubong ang kilay ko habang sinundan ko siya ng tingin na naglalakad patungo kila Jace, na naghihintay sa amin malapit sa hagdan.
"Hoy! Ty! Halika na!" sigaw ni Jace sa akin.
Lakad-takbo akong pumunta sa kanila at sumabay sa pagbaba ng hagdan. Nasa likod ako, kasabay si Draven, samantalang sa harap ko si Leo at nasa harapan naman niya sina Jace at Luke. Naguusap silang tatlo habang tahimik kaming bumababa ni Draven.
Ngunit biglang natapilok si Leo at naitulak niya si Luke, dahilan para mahulog ito. Walang gumalaw sa amin at tinitigan lang siya habang nalalaglag sa hagdan.
Hapon ngayon at maraming tao sa ibaba, kaya maraming nakakita. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Draven, at malakas naman natawa sila Leo habang si Luke ay hinawakan ang balakang niya at sinamaan kami ng tingin.
"Pake niyo ba?! Ganun ako bumaba ng hagdan, eh!" sigaw nito sa amin, na lalo nilang tinawanan.
"Sus, nagpapalusot pa!" natatawang sabi ni Jace.
Sinamaan siya nito ng tingin. "Who are you? I don't know you."
Natawa ako sa sinabi niya at patuloy na bumaba ng hagdan, kaya sumunod naman ang tatlo na pinagtatawanan siya.
"Ang pangit ng mukha mo, may gana ka pang sirain 'yan!" pang-aasar ni Leo.
"Parang di ka rin pangit, Leo," sabi ni Jace.
Tumigil si Luke sa paglalakad at tinignan kami, napabigla kami at tumingin sa seryoso niyang mukha.
"Rebisco ba kayo?" sabi nito.
Kahit nagtataka, sinagot namin, "Bakit?"
"Dahil putang ina, sumusobra na kayo."
Naging tahimik kami habang tinititigan si Luke. Walang may naglakas ng loob na magsalita sa amin dahil mukhang nabadtrip bigla.
"Nilalamig ka ba?" si Jace ang bumasag sa katahimikan kaya napatingin kami sa kaniya. "Kasi kung oo, ang yelo kasi ng ngipin mo, eh."
Malakas na natawa si Draven at Leo, dahilan para may mga nakatingin sa amin. Maaaring iniisip nilang nakakatawa ang pick-up lines, pero sa totoo lang, nakakatawa ang mukha ni Luke.
badtrip na talaga.
"Roses are red, violets are blue. When I flush the toilet, I remember you," sabi ni Luke kay Jace.

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...