CHAPTER 1

3K 95 17
                                    

"Tyrell, gising na!" napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses niya. "Hoy, may plano ka na namang hindi papasok ngayon no?!"


Ang ingay naman nito


Napataklob ako sa kumot ng pumasok sa kwarto ko si Jace. Dapat ang mga tulad niya bina-ban sa bahay eh! Nambubulabog na lang bigla!


Si Jace ay ang kauna-unahang kaibigan ko, hindi lang dahil magkapitbahay kami kundi bukod dun ay close ang pamilya namin. Ever since we're kid, we always stick together. Marami nangang nagtatanong kung boyfriend ko ba daw siya ngunit walang sawa kong tinatangi dahil hindi ko nakikita ang sarili kong boyfriend siya.


Guguho ang mundo pagnagkataon.


"Hey! Gumising ka na!" sigaw niya at pilit kinukuha ang kumot na nakataklob sa mukha ko. "Tyrell ano ba! Gising na hoy!"


Bukod sa kaibigan ko siya, piste din siya sa buhay ko.


Inis akong sumigaw. "Jace! Sabi ng hindi ako papasok!" I chatted him yesterday about this!


"Hindi pwede!" wow at siya pa talaga ang may ganang sabihin ako niyan ha? "Papasok ka!"


Padabog kong inilais ang kumot at inis akong humarap sa kaniya. "Ba't ba ang kulit mo?! Sabing hindi ako papasok!"


"Bakit ba kasi hindi ka papasok?!" he even rolled his eyes on me! Hala attitude.


"Tinatamad ako," sabi ko sabay bagsak ng katawan ko sa kama. "Alis ka na."


"Come on, Tyrell." Naiinis na rin si tanga. "Nasa  highschool palang tayo tinatamad ka na? Ano pa kaya kung nasa college na tayo?! Baka ma bagsak ka!" Pagalit na sabi nito at pilit akong tinatayo.


Ang tagal pa nun grabi


"Once in a life time lang to!" pasigaw kong sabi. "At nasa highschool pa tayo! May senior high pa."


"Ulul mo, bilis na!"


"Ayoko sabi!" sabi ko habang pilit kong inaagaw ang kamay ko sa kaniya.


"Isa..." Pagsisimula niyang bilang. Anong akala niya hindi ako marunong magbilang?!


"Dalawa. . ." Pang iinis ko. "Tatlo.. apat.. lima.. anim—ahhh!"


Napabagsak ako sa kama ng bigla niyang bitawan ang kamay ko na pilit kong tinatanggal sa kaniya kanina. Nakangiti akong tumingin sa sumimangot na mukha ng bestfriend ko.


Grabi ang pangit niya talaga sa paningin ko.


"Ayaw mo bang mag-college?" nagtatakang tanong na may panghihinayang na boses nito.


huh? "Gusto," mabilis na sabi ko. Medyo nagtataka rin sa tanong niya.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now