"Anak, gumising ka na," rinig ko ang boses ni Mama sa labas habang marahan niyang kinakatok ang pinto ng kwarto. "Late ka na naman, bata ka!"
"Oo, Ma!" sigaw ko habang nakapikit pa rin at nakahiga.
Grabe, antok na antok pa ako dahil tinapos ko kagabi yung project ko. Malapit na kasi ang deadline, at wala pa akong nasimulan.
Yan, architecture pa more.
Kahit antok, pilit akong bumangon sa kama at pumunta sa banyo para maligo. Hindi naman ako mahilig magtagal sa banyo kaya mabilis lang akong natapos.
After suiting up in my architecture uniform, tumingin ako sa salamin. Sobrang laki ng ipinagbago ko. Kung dati ay sobrang arte ko, ngayon, halos wala na akong pakialam. Pero syempre, hindi ko naman pinapabayaan ang hygiene ko.
Tumingin ulit ako sa salamin bago sinilip ang orasan sa tabi ng study table.
"Shit," singhal ko. Nagdilang-anghel nga si Mama. Late na nga ako!
Dali-dali kong pinasok ang lahat ng gamit sa bag kahit wala na akong pakialam kung may malukot o masira. Bahala na! Sa classroom na lang ako mag-aayos.
Pagbukas ko ng pinto, mabilis ko itong sinara at tumakbo pababa ng hagdan. Sa sala na lang ako dumaan imbes na sa kusina.
"Anak! Hindi ka pa kumakain!" rinig kong sigaw ni Mama nang palabas na ako ng bahay.
"Sa school na lang ako kakain, Ma!" sigaw ko pabalik at tuluyan nang lumabas ng gate.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo na papuntang school-malapit lang naman. Hindi pwedeng malate ako dahil may substitute sa professor namin ngayon, at sabi niya last meeting, mas strict daw yun kaysa sa kanya. Kaya kailangan namin maging maaga.
Major ko pa naman ang first subject ko. Bwisit.
Nang nasa tapat na ako ng school gate, kaunti lang ang nakikita kong estudyante. Panic mode na ako kaya tumakbo agad ako papunta sa architecture building. Third floor pa ang room ko ngayong first subject!
May ilan akong nabangga sa pagmamadali at nag-sorry na lang ako kahit hindi ko na sila nilingon. Muntik na rin akong madapa! Tumingin ako sa relo-malapit na magsimula ang klase! Hindi na ako nag-atubiling gumamit ng elevator dahil puno rin ang pila, kaya kahit mahirap, sinubok ko na lang ang hagdan.
Oh, self, saan aabot ang 3 minutes mo?
I fucked up. Bakit hindi niya ako ginising ng mas maaga?!
Hinihingal man, nakarating din ako sa pinto ng room. Pero napapikit ako sa inis nang makita kong naunahan ako ng bago naming professor na pumasok sa loob! Tiningnan ko ang relo at napamura ng makitang isang minuto lang akong late! Grabe, isang minuto lang pinagdamot pa sa akin! Sana man lang na-late din yung professor! Nakakahiya tuloy pumasok!
Huminga ako ng malalim para kumalma at inabot ko na ang pinto nang may tumapik sa balikat ko, kaya napalingon ako sa likod para tingnan kung sino yun.
"Late ka rin pala?" sabi nung kaklase ko.
"Hindi naman actually, mga isang oras lang," sarkastiko kong sagot. "Di ba obvious?!"
Napakamot na lang siya sa ulo, at tinignan ko ang mga nasa likod namin. Mukhang lima kaming late, wow. Tinabi ko siya at sinenyasan na siya na magbukas ng pinto. Nag-aatubili pa siya nung una pero ginawa rin niya. Hala, pabebe!
"As I was saying-"
Napatigil sa pagsasalita yung nasa harap ng pisara nang lingunin niya kami. Yung mga kasama kong late, nakayuko, habang ako, nakatingin lang sa kanya, hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ilang taon na ba ang lumipas? Gusto kong magtampo, gusto kong manakit, gusto kong kalimutan lahat ng nangyari. Pero dahil sa araw na ito, bumalik lahat ng alaala.
Nagtama ang tingin namin, pero hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Kahit gustong-gusto ko siyang sigawan, hindi ko magawa. Katulad ng dati, hindi ko pa rin maisaboses ang nasa isip ko, mga katanungan at mga hinanakit. Patago kong kinuyom ang palad ko.
Galit ako. Gusto ko siyang sigawan.
Galit ako dahil hindi ako makapaniwala na ang taong dati kong iniyakan at minahal, nasa harap ko ngayon. Ang dating iniwan ako nang walang pasabi, eto ngayon, harap-harapan.
Hinawakan ako ng kaklase kong babae sa kamay at iginaya sa upuan ko. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya, hindi ako komportable sa presensya niya. Umupo ako katabi ng kaibigan ko habang tulala at nasa kawalan ang tingin.
Hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon. Hindi ganito ang inaasahan kong pagkikita namin.
"To those late, I'm Draven Cortez, your substitute teacher for today's subject..."
:>

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...