"Tyrell!!!" Napakurap-kurap ako nang marinig ko si Jace na tinatawag ang pangalan ko. "Bingi mo, tanga,"
Nagkatinginan kami, at napansin ko na nandito pala kami sa loob ng classroom, hinihintay ang aming science teacher. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung anong oras na. Ang init ng ulo ko, at naguguluhan pa ako sa mga nangyari kagabi. Laging bumabalik sa isip ko si Papa, at kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya. Hindi ko siya kayang kalimutan.
I love my family. I love them so much. Wala akong hiling kundi ang makasama pa sila ng matagal, na sana malayo sa mga pagsubok at sakit.
I love Papa. I love Kuya. I love Mama. I love my family very much. They are the reason why I am who I am today, and there's nothing in this world that I would trade them for. They are my foundation, the reason I live and breathe. I would die for them.
"Ha? May sinasabi ka ba, Jace?" sabi ko, medyo naguguluhan.
"Sasali ka ba daw sa quiz na gaganapin bukas?" tanong ni Jace, na nakatingin sa akin.
"Anong quiz?" Wala naman kasi akong natatandaan na sinabi sa amin na may quiz bukas. Parang biglaan lang.
"Tyrell, Intrams na bukas! Nasaan ba ang mundo mo?" ani Jace, saka inikotan ako ng mata.
Tama! Naalala ko na. Nasabi sa amin na Friday ang Intrams, kaya pala may mga estudyante akong nakikita sa gym tuwing umaga. Kaya pala! Intrams! At hindi ko naisip yun? "Sorry, nawala sa isip ko," sabi ko, honestly.
"Tsk," sagot ni Jace. "Sasali ka ba sa quiz? Kasi ayaw ni Cassandra, at ayaw ko rin."
"Kapal mo!" Natawa ako sa sinabi niya. "Ano ba topic ng quiz na 'yan?"
"Bakit, sasali ka ba?" tanong ni Jace.
"Ano nga kasi ang topic?" sagot ko.
Ayokong mag-commit sa isang bagay na hindi ko alam. Gusto ko lang malaman ang topic para kung sakali man gusto ko, makakapag-review ako. Ayoko kasing magmukhang tanga kapag hindi ko alam ang sagot.
"Bakit ka galit?" Tanong ni Jace.
"Magagalit talaga ako, Jace, kung hindi mo sasagutin ang tanong ko."
"Sa kanila ka magtanong," sabi ni Jace, sabay turo kay Draven.
Napaawang ang labi ko nang makita ko si Draven kasama ang dalawa niyang kaibigan. Ito yung mga lalaki na nakita ko sa canteen kanina, na parang laging magkasama. Nagtatawanan sila, at si Draven ay nakikipag-usap kay Cassandra, na may hawak na papel.
"Diba mga college sila? Anong klaseng quiz yun?" tanong ko kay Jace, na nakatingin lang sa akin.
"Eh, magtanong ka sa kanila," sagot ni Jace, na parang wala na talagang pakialam.

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...