CHAPTER 8

825 49 24
                                    

"Kapag ba naglalakad ang butterfly, tawag ba doon, butterwalk?" Natawa ako sa sinabi ni Jace habang nanunood kami ng movie sa bahay.


Nandito siya para tumambay dahil wala ang parents niya at nabobored siya sa paglalaro, kaya ang ending, ako ang binubuwisit niya ngayon.


Saturday ngayon at kahapon nagkaroon ng Intrams. Buti na lang, hindi kami masyadong pinagawa ng school stuff, kaya libre ang oras namin.


"Sa tingin mo ba, naglalakad ang butterfly?" natatawang tanong ko.


"Ulol! May paa 'yan, tamad lang at gumagamit ng pakpak para makapunta sa ibang direksyon."


"Hindi ko pa nakita'ng naglalakad na butterfly, eh." Sabi ko nang tapat.


Totoo naman kasi, simula pagkabata ko, hindi ko pa nakikitang may naglalakad na butterfly. Tuwing maglalanding sila sa bulaklak o kahit saan, nag-stay lang sila, tapos pag naramdaman nilang may tao o kahit anong bagay, lumilipad sila palayo.


"Kasi nga, butterfly, hindi butterwalk!" sagot niya sa akin.


"Corny mo." Natawa siya sa sinabi ko.


"Bakit? Tinanong mo ako, sinagot ko lang." Natatawang sabi niya.


I rolled my eyes. "Di ko na man kasi in-expect na may halong alien pala ang sagot mo."


"Bakit? Seryoso ka sa tanong na 'yun?"


"Sa tingin mo, nakikipagbiruan ako?"


Nag-struggle siya. "Anong malay ko."


Binatukan ko siya kaya napa-aray siya sa sakit. Sinamaan niya ako ng tingin, at inarapan ko lang siya.


Wala talaga'ng kwenta'ng kausap.


"Sadista ka na, Tyrell." Ani niya habang humahawak sa dibdib.


"Gago mo, Jace."


"Wow, gwapo lang ako, hindi gago." Napailing siya. "Nakakatakot kang magmura."


Ano daw? Anong nakakatakot doon? Natural lang sa tao ang magmura.


"Bakit mo nasabi nakakatakot ako magmura?" nagtatakang tanong ko.


"Eh kasi sa mukha mo pa lang, sobrang mahinhin, at mukha kang anghel." Nag-sight siya at nag-shake ng head, tapos tumingin sa akin. "Pero sa oras na magmura ka, para akong nakatitig sa isang anghel na naging demonyo."


Malakas ko siyang sinipa, kaya natatawa siya. Wala siyang hiya! Sabi ko na nga bang wala akong makuha'ng tamang sagot sa taong 'to!


"Biniro ka lang, eh naninipa ka agad." Nakasimangot niyang sabi.


My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now