CHAPTER 10

898 59 42
                                    

"Ugly bitch..." basa ko sa post. "Parang tanga talaga,"


Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga habang binabasa ang tweet ni Camillie. May bago siyang update, at halata namang tungkol ito sa isyu namin, na hindi ko alam kung bakit nagkaroon.


Napailing na lang ako.


They will keep on babbling as if they are the perfect creation. They can easily make you feel all alone in this big world.


Ironic, isn't it?


It's funny to think that they judge you without even asking themselves if they're perfect. There is no more beauty in this world if every one of us keeps pulling down the others.


Gusto ko sanang bumalik sa nakaraan kung saan buhay pa ang sangkatauhan. Di joke lang.


"Anak, Ty, kakain na."


Napatigil ako at tumingala kay Mama na sumilip sa pinto. Huminga ako ng malalim bago tumango at sinabing susunod ako, may aayusin lang kahit wala naman talagang ganoon.


Tyrell @tylexreyes

Pangit daw ako? Edi ikaw na maganda mula paa hanggang leeg, tanga!


Napabuntong-hininga ako, iniisip kung bakit pinipeste ako ng babaeng iyon na wala namang akong kaalam-alam sa dahilan. Dapat kay Agatha siya galit, pero ako ang kanyang pinagtutuonan.


She didn't want to fight Agatha when she knew that Agatha had a cousin and thought I wouldn't fight back. That's why she's shitting on me right now by telling everyone how ugly I am, which is not true.


What a bitch!


She can fight Agatha physically and think she can fight me mentally. Because she thought hitting two birds with one stone would win her game.


Diba? Di ko rin gets ang paliwanag ko.


Tumayo na ako matapos ang pag-post sa Twitter bago lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdang. Kita kong, ako na lang ang hinihintay nila.


Sinalubong ako ni Mama. "Ba't ang tagal mong lumabas?"


"Sorry po."


Umupo ako sa harap ni Kuya na tahimik na naglalagay ng kanin sa plato niya, habang si Papa naman ay naglalagay ng ulam. Katabi ko si Mama na kaharap si Papa. Gaya ng dati naming nakasanayan, tahimik lang kaming kumain.


Ngunit sa gabing ito, talagang iba.


Kaya nang sinabi kong sanay na kami sa tahimik, may isang bagay akong napapansin. Napatigil ako sa pagsubo habang tinitignan sila, at napansin ito ni Kuya.


"What? Why aren't you eating? Is there something wrong, Lex?"


My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now