CHAPTER 9

707 55 34
                                    

"Tyrell! Hindi mo ba talaga kakalabanin yun?!" Napatakip ako sa tenga ko nang biglang sumigaw si Jace sa harap ko! Nakapamewang siya at may nagsasalobong na kilay na nakatingin sa akin.

"Ano ba?! Kung gusto mo, labanan mo siya!" sagot ko. "At ‘wag kang basta-basta sisigaw diyan!"

Isang linggo na ang nakalipas mula nang nangyari ang tungkol sa post ng babae na kinaiinisan ni Agatha. Mukhang ako na ngayon ang ginagago. Sa nakalipas na linggo, wala pa akong impormasyon tungkol sa debate. Sinubukan ko nang makausap si Cassandra, pero sabi niya, wala ring sinabi sa kanya! Maliban na maghintay daw ako.

Nainis tuloy ako! Tapos dinagdagan pa ako ng babaeng nagngangalang Camillie! Buwisit.

Walang araw na hindi siya nagpaparinig sa akin sa Twitter at maging sa Facebook. Nakakainis kasi! Masyado siyang agaw-pansin, hindi niya alam na naiistorbo niya ang iba. Walang manners!

"Ty! Ginagago ka na nun! Dapat ginagago mo rin!" Patuloy pa rin ang pagsisigaw ni Jace sa akin.

Pwede bang bigyan niyo ako ng ilang araw ng kapayapaan? Di ba nila nakikita na wala akong pakialam sa ginagawa ng babaeng yun? Bakit di nila ako puwedeng hayaan na makaramdam ng kapayapaan?!

Nandito na ako ngayon sa room, tapos na ang lunch time namin at wala man lang pumasok na teacher. Nabo-bored na ako.

"Tyrell Lex Reyes! Naghahanap siya ng away! ‘Wag kang magpapatalo!"

Napapabuntong-hininga ako. "Jace De Lapaz! Kanina ka pa! Sabi ko nang ayaw ko ng sakit ng ulo! Hayaan mo na yung babaeng yun!"

"Tyrell, trending na ang away niyo sa Twitter! Kunin mo ang phone mo at labanan ang tama!"

Napairap ako at kinuha ang phone ko. Gaya ng dati, pagbukas ko pa lang ng cellphone ko, sunod-sunod na notifications agad ang pumutok. Sunod-sunod din akong napasinghap.

Magla-lag ang phone ko nito!

Bumungad sa akin ang napakaraming notifications, at puro tungkol sa mga post ng babae sa akin. Isang linggo ko nang hindi pinansin ang ginagawa niya, kaya naisipan kong bisitahin ang account niya.

Cams @camilliedioson

•The meaning of beauty is me•

657 Following. 2,068 Followers

Ang icon niya ay nakabikini siya, habang ang header naman niya ay beach kung saan nakatalikod siya. Maayos ang pagkaka-edit nito.

Cams @camilliedioson

Ugly like her suit for being a trash.

Gaya ng dati, ganun pa rin ang mga tweets at replies — marami pa rin. May mga kaklase rin akong nagreply sa post niya.

Cams @camilliedioson

Takot yata kayong malaman na pangit siya kaya hindi na lumalaban. What a pussy.

Napangiwi ako sa nabasa ko. Kahit kailan, hindi ko kinquestion ang sarili ko, pati na ang mukha ko. Tinatanggap ko kung ano ang meron sa akin. Niisa sa mga nakikilala ko ay hindi nagsasabi na pangit ako. May mga nagsasabing maganda ako at bagay na bagay ang mala-tsokolate kong mata. Maputi naman ako, kaya nagpapanggap akong mahinhin. Matangkad ako at nababagay ang mahaba kong kulot na buhok.

For me, I'm beautiful whatever they say about how shit I am.

Sinasabi nila, "The beauty that grows from a life of giving of yourself to others will glow in your eyes and shine from your face." True beauty is attractive to those who value and seek it. To attract beautiful people into your life, live a beautiful life of giving and caring for others.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now