CHAPTER 11

796 65 24
                                    

"Tyrell! Magpa-practice daw kayo tungkol sa debate!" Napalingon ako kay Cassandra nang pumasok siya sa room. "Tara na!"


Kay aga-aga, sumisigaw na, at malamig pa ang panahon. Umuulan kasi sa labas at malakas pa ang ihip ng hangin, pero kahit ganian, may klase parin.


"Ngayon na?" tanong ko habang inaayos ang jacket ko.


"Hindi, Tyrell. Bukas pa." Sinamaan ko ng tingin si Jace.


"Yep! Nasa extra room sila sa College Building," Sagot ni Cassandra habang binababa ang bag niya at humarap sa akin. "Alam mo naman kung saan banda yun, di ba? O gusto mo samahan ka namin ni Jace?


"Diba may extra room rin sa engineering? Saan banda yun, Cass?" tanong ni Jace.


Huh? May extra room pala doon? Di ko alam. At isa pa, maraming course ang college, saan ang extra room doon? Nakakalito.


"Meron pala? Ang alam ko lang ay sa Medical."


"Diba ginamit iyon ng mga Medical students?"


Cassandra shrugged her shoulders. "Ang sinabi lang sa akin ay pumunta na ang mga candidate sa debate sa may extra room sa college building."


"Gago, baka sa engineering yan."


"Ewan." Humarap siya sa akin. "Tara na, excuse ka yata sa klase ngayon eh."


Tumango ako at inayos ang bag. Kumuha ako ng ballpen at nilagay sa palda bago tumayo at sumama sa kanila. May mga nakikita pa kaming mga estudyante sa labas at ewan ko ba kung bakit sila nandiyan, eh sobrang ginaw ng panahon. May iba pang walang jacket!


"Nandun ba lahat, Cass?" tanong ni Jace.


"Wala akong idea, baka nandun na sila."


"Hala! Wala tayong alam kung saan banda yun!"


"Try natin tignan sa engineering o di kaya sa medical—"


"Wala bang sinabi kung saan?" putol ko sa akmang sasabihin niya.


Umiling ito. "Wala eh."


Inakbayan ako ni Jace, pero hinayaan ko lang siya. Habang naglalakad kami, tahimik lang ako; ni hindi ko nga naisipang sumingit sa usapan nila dahil sa ginaw. Inayos ko ang suot kong jacket habang naglalakad kami, at pagdating namin sa field ng college, bigla akong napatigil.


Ang jacket ni Draven!


Napapikit ako sa inis dahil hindi ko maibigay ngayon ang jacket niya. Nakalimutan ko kasi yun sa bahay, nilabhan ko pa naman yun pagkauwi ko at iniisip kung paano isasauli. Tapos, malilimutan ko lang?


"Ayos ka lang, Ty?" tanong ni Jace bigla.


My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now