Chapter 8: Chryseis Athena

30 2 0
                                    

Nakatingin ako sa salamin habang ginagamot ang sugat ko, medyo nawawala na ang pasa at naghihilom na ang sugat.

Apat na araw na ang nakalipas simula ng mangyari to sa akin. Si Frince hindi kona masyadong nakikita at nahihiya akong abalahin at kulitin siya dahil baka may importante itong ginagawa.

Sa apat na araw dalawang beses ko lang siyang nakita, minsan tahimik pa. Walang kibo at pagkatapos kumain ay aalis kaagad ng walang paalam sa akin. Mukhang pagod na pagod siya palagi lantay ang mukha at bagsak ang balikat na iyon ang hindi ako sanay na makita sa kanya.

Nung una ko siyang makita ay masasabi kong para siyang isang babae. Malinis sa sarili at sobrang promal.

Kaya minsan nahihiya akong maging maingay at makulit dahil parang ayaw niya sa ganong tao. Mukhang hindi siya sanay sa mga tao na katulad ko na kalog, sadyang wala lang siya nagawa dahil panay ang sunod ko sa kanya at pangungulit dati.

"Te, Frince mo sa labas hanap ka." Rica said at tumango naman ako bago pinunasan ang kamay ko at lumabas.

Ngumiti ako ng makita siyang nakangisi habang nakatingin sa menu book. Good mood siya ngayon, at mukhang presko na ulit. Hindi na siya katulad nitong nag-daang araw na parang hindi pinapakain at walang tulog ang mukha.

I smiled again.

Come on Athena, he means nothing to you. 'Wag kang ngumiti diyan.

Ilang hakbang na lang mula sa kanya ay huminto ako para titigan siya. Ang gwapo niya, ang ngiti sa labi niya ay nakakaagaw pansin.

I stiffed when he looked in my direction.

"Good morning Sir." I said politely.

"Good morning Miss." He said while smiling at pinatong ang dalawang siko sa mesa.

I chuckled.

"Ano po sa inyo?" I said.

"What can you offer for me? Yong luto mo talaga." Aniya.

Napatayo ako ng maayos kaya ngumisi ito, wala akong alam sa sinasabi niya.

I bend a little to whisper something.

"Ano ba, hindi ako marunong magluto." Utal na pag-amin ko.

He chuckled. He move a little, napahawak ako sa braso niya ng dumampi ang labi ko sa balat niya.

Ang lambot, ang kinis at ang bango niya!

"Subokan mo lang, kakainin ko lahat ng luto mo. I promise." He whispered.

"Egg sandwich, pancake, and coffee will do Sir?" Nanginginig na tanong ko.

"Of course, try me. Kakainin ko yan kahit hindi masarap." He smirked.

Napaayos naman ako ng tayo at hinampas ang menu book sa kanya. Iba ang pagkakaintindi ko!

"Stay and wait." I scolded him.

"Sure, Athena. I'll wait." Aniya.

Gusto ko siyang sabunot dahil sa mga sinasabi niya pero gusto ko ring buksan ang ulo ko at linisin ang utak ko.

"Okay ka lang?" I asked him habang pauwi kaming dalawa.

"Nalason mo yata ako." He said at hinampas ko siya ng bag ko.

"Fuck, don't do that. I'm driving muntikan na tayong madisgrasya." Aniya.

"Sabi ko kasi sayo hindi ako marunong magluto. At tsaka subokan mong ibangga ang kotse na'to mayayari ka sa akin." I said. "Paano pag may ma-amnesia sa ating dalawa tapos nakalimutan natin ang isa't isa ha!!"

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now