Chapter 2: Chryseis Athena

41 4 0
                                    

"Ano? Okay ka lang ba?" Tanong ni Tracy.

"Oo naman, kayo ko pa nga maglakad pa-uwi. Syempre hindi ko gagawin yon, sampong piso lang naman ang pamasahe sa jeep." I said. Sobrang sakit talaga ng paa ko at mukhang mamamaga pa ito.

"Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo. Use your cards, sobrang---"

"Sabi ng ayaw ko, ayaw kong magka-utang na loob sa kanila. Ano pa yong hindi nila ako pinaniwalaan? Hindi ko pa rin nakakalimutan yong ginawa nila sa akin." I said.

Tinapon ko ang sigarilyo at inapakan ito para tuloyan ng mamatay ang sindi. Isinuot ko naman kaagad ang jacket na dala ng umihip ang malakas na hangin sa labas ng bar. Halos tatlong minuto na ako naka-upo sa parking lot, nabad-trip naman ako dahil sa nangyari kanina at mabuti na lang ay pina-uwi ako ng maaga ng boss ko. She's kinda kind and understanding person, unlike to those manager na kung umasta kala mo ay sino.

"Tara na nga, uuwi na rin naman na ako kaya sumabay kana sa akin." Tracy said at tumango naman ako.

"Sumasabay naman talaga ako palagi sayo tuwing uuwi na ako galing dito, ikaw ba naman gabi-gabi nandito. Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sakin bakit panay dikit mo sa akin." Saad ko.

"Duhh, ayaw mo non? Libre ka palagi sa commute. At tska martes, huwebes, at sabado lang ako pumupunta rito noh!" She defended herself.

"Kasi sa martes, huwebes, at sabado lang din ang pasok ko dito. Mautak ka talaga." Saad ko at umirap sa kanya.

Papasok na sana ako sa sasakyan ni Tracy ng matanaw ko si Frince at ang mga kasamahan niya na palabas na sa bar at ang iba sa kanila ay halatang lasing na lasing na. Makakapag-drive pa kaya sila nyan? Mukhang maya-maya lang ay makakatulog na sila sa sobrang kalasingan eh.

Grabe handa silang mag bayad ng libo libong pera para lang uminom sa bar tapos isusuka at ilalabas lang rin nila sa ihi nila ang ininom nila, at masakit pa non sa kinabukasan ay may hangover sila. Pwede lang din naman red horse, gin, o san mig ang iinomin nila, may ba tequila at liquor pang nalalaman.

Sa bagay, pag walang costumer ay malulugi ang bar at pag nangyari iyon ay mawawalan ako ng isang trabaho. At isa pa hindi ko dapat sila prinoproblema dahil pera naman nila yon o pera ng magulang nila. Ang swerte nila, hindi kagaya ko.

"Come on, that's why I really don't want to be here because I know I will be the one who will bring you home." Saad ni Frince sa kanyang kaibigan nga mga nakahandusay na dahil sa kalasingan.

"Duh, ang killjoy mo talaga. Baka kami ay may anak na sa huli pero ikaw trabaho pa rin ang inaatupag mo. Go find yourself a girlfriend, jerk!" Saad ng babae na kasama niya kaninang bumaba mula sa kwarto.

Oh she's not the girlfriend. Then, what are they? Fuck buddies?

"Shut up, Glory!" Saad ni Frince, ano ba yan maka-diyos ang pangalan ng babae pero kung umungol grabe!

"I said I don't need a fucking girl--" naputol ang sasabihin ni Frince ng napatingin siya sa gawi ko.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa malalim niyang titig sa akin. Ano ba ang problema niya? Uutosan niya na naman ba ako, aba sa pagkakataong ito babarahin kona talaga siya. Tapos na ako sa oras ng pagtatrabaho ko!

"Ano? Ayaw mo ng girlfriend? Asuss." Saad nung Glory at napatingin din sa akin. "Kaya naman pala. Uwian na, may nanalo na sa puso ni totoy Frince."

"The fuck, don't call me like that ever again!" Saway ni Frince sa kanya.

"Ayie, dati hinahayaan mo lang ako tawagin kitang totoy pero ngayon nasa harap tayo ng babae na nakakuha ng atensyon mo ay nahihiya kana huh!" Glory said at hinarap ako. "Congrats girl, you're the only one who gets his attention!"

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now