Chapter 4: Chryseis Athena

38 4 0
                                    

"See you tomorrow!" Saad ni Tracy at kumaway na sa akin.

Hinatid niya ako sa apartment ko dahil may dala naman talaga siyang sasakyan na iniwan niya sa pyer ng apat na araw. Our vacation is really memorable, hindi ko kailanman na inisip na pumunta sa iba't ibang parti ng aklan para lang maligo sa dagat pero dahil sa pangungulit ni Christopher at Tracy ay wala akong nagawa.

I just really want to spend my four days vacation on our home, but it's not that bad pala na maglibot-libot, mas lalong lalo pang sumaya kasi kasama ko ang dalawang importanteng tao sa akin.

Sinalampak ko naman kaagad ang katawan ko sa kama dahil sa pagod na nararamdaman. Ultimo balat ko ay namumula dahil sa pagligo sa dagat at ganon din kay Tracy at sa kapatid ko.

Ilang oras pa lang kaming mag-kalayo at hindi nagkikita ay na-miss ko naman kaagad siya. Ayaw niya na akong pabalikin pa, kahit ako ay ayaw ko rin naman but I can't stay there.

"Kamusta ang bakasyon Chryseis?" Tanong ni Sir.

Pakiramdam ko ay kulang ang tulog ko dahil yong pagod na nararamdaman ko ay nandyaan parin. Tapos ito pa ang bubungad sa akin kinaumagahan ang suplado at chismosong boss ko at pagpasok ko sa kitchen ay may naiwan pang huhugasin.

"Okay naman. Masaya." Saad ko at pumasok sa maliit na kwarto para magbihis ng uniform.

Pagkalabas ko ay nagulat ako na naroon parin si Sir sa labas na mukhang hinihintay ako. Gigisahin na naman ako ng isang to at pagtatarayan ko na naman siya ay pag-iinitan niya ako ng ulo buong duty ko rito.

"May good news ako sayo." He said.

"Ano? Tataasan na ang sweldo ko?" Sarkastikong tanong ko pero tumawa lang ito.

"Nice joke but, no." Anito at tumalikod na ako. "Sa labas na ang tuka mo ngayon, waitress kana."

"Ano?!"

"Ayaw mo o masisisanti ka?"

"Oh sige." I sighed. Malas.

"At tsaka ang manliligaw mo pabalik balik din dito ng apat na araw hinahanap ka." Aniya at umalis na.

Pumunta siya dito at hinahanap ako? That's impossible, eh, halos isumpa na nga ako ng lalaking yon dahil ayaw niyang makipag-date sa mas bata sa kanya.

Tss. May epekto rin pala ako sayo, akala ko wala lang ang presensya ko sa kanya. Napangisi naman ako at lumabas na sa kitchen.

Parang mas lalo pa yata akong mapapagod dahil sa labas na ako. Nakakapagod mag-salita para magtanong kung ano ang gusto nila at magpasalamat sa kanila pag aalis na sila. Magliligpit ng pinagkainan nila at babalik sa kitchen para ihatid ang mga iyon. Ang ganda naman ng kabayaran ng apat na araw na bakasyon ko.

Delubyo sa trabaho.

Napatingin ako sa pinto ng tumunog ang bell na nagpapahiwatig na bumukas ito. I smiled when I saw Frince with his usual face, seryuso.

"Good morning, Sir." Lumapit si Rica sa kanya at nangunot naman ang noo nito.

"Where's Chryseis?" He asked.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti dahil sa paghanap niya sa akin at sa mukha niyang nakakatawa ngayon. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang seryuso nito.

What's up Frince? After insulting me? Ganon ganon na lang yon? Ang bilis naman yata maka-get over ng lalaking ito.

"Ahh, ayon po siya sir." Turo sa akin ni Rica.

"I want her." He said seriously.

"Huh? Po sir?" Utal na tanong ni Rica.

"I want her here." He said at dinapoan ako ng masasamang tingin.

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now