Chapter 12: Chryseis Athena

42 1 0
                                    

Frince Martin Montelebano is the man that every women's dream. A smart, kind, rich, and handsome man. Masyado na siyang perpekto kung pagbabasahin ang buong pagkatao niya. I like it when he is around me, napapatawa at napapangiti niya ang sa simpleng bagay.

Sa asaran man o pikonan namin, it's always just a simple day for me but he always make it extraordinary and special.

Siya ang kaaway na ayaw kong mawala minsan. Nakakatakot, dahil hindi ko alam kung ano kahihitnan ko pag nawala siya. Madalas kaming magtalo sa maliit o malaki mang bagay dahilan para matapos sa tawanan at halakhalak ang araw namin, he is so patience.

"Sabi ko mas bagay tong sleeveless tees and just wear a simple printed short." I said to him.

"But I'm already dressed. Nakakapagod magbihis." Anito.

"Gusto mo talagang fline-flex yang biceps mo, noh?" I said.

"Bakit in love ka ba?" He asked.

Natigilan naman kaagad ako dahil sa tinanong niya, nakabawi lang ako ng marinig kong matunog itong tumawa.

I throw the small pillow on his direction pero mabilis itong naka-ilag. Sinamaan ko ito ng tingin ng tinawanan niya lang ako. He's in my nerves these past view days.

"Sinong lalaki naman kasi ang makikipag-date na nakasuot ng board shorts?" I heard him whispered.

"Duhh nasa beach tayo. Alangan naman mag-heels at magdress ako tapos ikaw nakasuot ng tuxedo." I mocked him.

Pangalawang araw na namin ito ngayon at ang kapatid ko ay nangingitim na ang balat kakaligo kasama ang nanny at private nurse niya pero kami ni Frince ay kahit pamumula ng balat ay wala.

"Ano yan?! Marunong ka niyan?! Pag ikaw nalaglag diyan at malunod ha!" Sermon ko ng makitang may hawak siyang malaking surfing board.

Mas mataas ito sa kanya at malaki, feelingero talaga ang lalaking ito kahit kailan.

"There, let's go." He said at tinanaw ang parte ng beach na may malalaking alon at kaunti lang ang nagsu-surf.

Mahirap kaya, pagtatanga-tanga siya mamaya nito ay mahuhulog talaga siya. Tapos mababagok ang ulo niya at hindi niya na ako maaalala. The fuck?!

"Frince, wag na kasi." Pigil ko sa kanya at lumuhod pa para yakapin siya sa binti niya. "Maawa ka sa akin at sa magiging anak natin."

I heard him cursed at ginalaw galaw niya ang binti niya para makawala ako.

"Frince, mababagok ang ulo mo pag nalaglag ka! Paano pag hindi mona ako makikilala? Paano ang magiging pamilya natin?"

"What are you doing? Shut up and stand up, other people are watching you." Utal na saway niya. "I know how to use this!"

Agad naman akong bumitaw at tumayo bago inayos ang sarili ko at tumikhim na parang walang nangyari. Hindi ko alam bakit bigla akong kinain ng hiya eh, wala naman akong hiya.

"At anong sinasabi mong anak? We haven't do it yet." He scolded me. "Some people might think that my girlfriend is crazy."

He grabbed my hand at nagsimula na kaming maglakad dalawa papunta sa gawi ng beach na tinutukoy niya. Dala dala ko ang tote bag ko na naglalaman pa rin ng wallet namin, cellphone niya, sunscreen, our wristwatch, my comb and perfume.

Bitbit ko ang towel namin at damit niya dahil nag palit ito ng rash guard para sa lintik na exhebesion niya. Habang naglalakad kami ay panay dasal na ako na inangat siya dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Kung hindi mabagok ang ulo niya ay baka kainin siya ng pating or worse he will turn into a merman or shockoy.

Inayos ko ang suot kong floppy sun hat and sunglasses. I'm wearing a black two piece swimsuit and I cover it up with white see through. I sat on the Adirondack chair at inilapag ang bag na dala ko sa maliit na mesa sa gilid bago kinuha ang fruit shake. Tinignan ko lang ang bawat galaw niya habang sinusuot niya ang leash sa bandang paanan niya.

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now