Chapter 3: Chryseis Athena

40 3 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta? Gutom na ako. Dalawang oras na lang at magsisira na ang mall pero hindi parin tayo kumakain." Pagpaparinig ko.

Sana naman makaramdam siya ng awa sa akin kahit kaunti lang naman at ilibre ako ngayon ng dinner. Kahit tignan niya nalang ang katawan kong sobrang payat na kaonting malakas na hangin lang ay tatangayin na ako.

"Hinahanap ko ang sinasabing restaurant ni Rochelle." He said.

Naghahanap na lang ng restaurant ay sobrang seryuso pa ng mukha niya, duhh! Wala siya ngayon sa korte para maging seryuso at iyong mukha niya parang nauubosan na ng pasensya.

At sino na naman kasi ang Rochelle na sinasabi niya? Pagkatapos kay Glory ay kay Rochelle na naman siya? Ang sagwa talaga ng lalaking 'to ang daming babae at papalit palit pa! Hindi ba siya worried na baka magkaroon siya ng sakit at mamatay?

"Sino na naman ba kasi ang Rochelle na yan? Paano mo ako sasagotin kung may iba-iba kang babae?" Tanong ko.

Hinarap niya naman kaagad ako at bumuntong hininga pa siya. Kasalanan ko ba kung hindi niya mahanap ang restaurant na yon?! Kahit hubaran niya pa ako ngayon ay hindi niya makikita sa katawan kong itinago ko ang restaurant na hinahanap niya.

"Who's Rochelle?" Tanong niya.

Ano ba siya?! Ang weak naman ng utak niya ganon talaga siguro pag babaero ka, mabilis mong makalimutan ang mga pangalan ng babae mo. Katulad niya may kakilala ako at ang pangalan niya ay si Frince Martin Montelebano.

"Duhh the one you're talking about earlier. Yong nag-turo sayo ng restaurant na hanggang ngayon ay hindi pa natin nahahanap." Saad ko at bumuntong hininga.

"Ah, Rochelle." Walang reaksyon na saad niya.

Oh, he's not interested.

Inilabas niya naman ang phone niya and later on he placed his phone into his ears. He massage the bridge of his nose, pikon na nanaman. Kahit kailan ay ilang beses ko palang lamang itong nakitang ngumiti pero iyong parang pilit pa. Ang sama talaga siguro ng ugali nito.

"Yeah, you think it's funny? Well, it's not...My date here is starving and you have time to fool around you are unbelievable!!" He spat and ended the call. Na mukhang hindi niya naman hinayaan maka sagot pa ang isa.

Sumandal na lamang ako sa pader habang nilalaro ang mga daliri ko, napatingin naman ako sa kanya ng lumapit ito sa akin. Dala-dala niya ngayon ang bag ko, para kaming totoong mag-jowa ngayon, I hope Consuelo and Faye will see this.

"She pranked me, that girl is unbelievable. She's the one who's broken at kaya idinamay pa ako." Aniya.

"Tshh, iyan ang napapala mo sa kade-date mo sa mga babaeng hindi mo naman gaano kakilala. Dapat sa akin ka lang, hindi kita lulukohin." Saad ko at ngumisi.

"Is it alright if we're going to eat in a simple restaurant?" He asked

Ngumisi naman ako.

"Oo naman, kahit sa fast food nga okay na ako." Ngiti ko.

"Is that so? Sayang naman ang outfit mo, parang pinaghandaan mo talaga to." He said.

Palihim naman umigting ang panga ko dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng lalaking ito, hindi ba pwede na ganito lang ako kung manamit. Akala niya siguroay patay na patay ako sa kanya para paghandaan talaga siya.

"I want that and that one." I said. Siya naman ang magbabayad kaya magpapakasawa ako sa pag-kain ngayon.

Napatingin ako kay Frince na ngayon ay inosenteng lumilinga-linga sa paligid. Sobrang inosenteng niya pero kung tatanongin siya tungkol sa law and science ay mas mabilis pa sa internet ang utak niya.

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now