Chapter 7: Chryseis Athena

32 3 0
                                    

"What?!" Gulat na tanong niya.

Agad ko naman siyang binitawan at hinarap bago tumawa. Ang seryuso talaga niya sa buhay.

"Biro lang, ano kaba!" I said. "Masakit ang pesnge ko."

"Bakit mo hinayaan na sampalin ka niya? Dapat gumanti ka." Aniya.

Ay wow, attorney ba siya? Nanghihikayat na gumawa ng gulo.

"At gutom na ako." I said at hinimas ang tiyan ko. "Amoyin mo nga ang hininga ko."

Suggestion ko at tumango naman siya. Bumuga ako at idinikit ang bunganga ko sa ilong niya.

Ang bait. Masunoring bata.

"Oh diba amoy alak? Hindi pa ako kumakain kaya bilang boyfriend ko dapat pakainin mo ang girlfriend mo para maging malusog." I said.

"Malusog?" Seryuso siya.

"Maging malusog sa kama." I said.

Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. Akala ko makikisakay na siya sa mga biro ko pero nagulat ako ng pitikin niya ang noo ko.

Ang sakit non!

"Stupid." Seryusong saad niya.

"Ang seryuso mo talaga! Pag ako nagkaanak ay tuturoan ko siya kung paano magbiro at bumanat. Sasabihin kong wag siyang gagaya sa ama niya na sobrang seryuso sa buhay at hindi marunong bumanat." I said.

"Pshh, sino naman ang magiging tatay ng mga anak mo?" Tanong niya.

I smirked.

"Pshh mga?! Grabe ka hindi pa tayo kasal pero pumaplano kana ng sobrang daming anak. Dapat isa lang para hindi busy at matutukan kita." I said.

Tumawa ako ng tumikhim ito at umiwas ng tingin sa akin. Ay namula.

"Sige na nga, payag na ako sa dalawa. Basta gabi-gabi may pasalubong galing sayo." I said.

Hindi naman siya tumango o sumagot lang naman. Ang panget kausap tungkol sa family planning.

"Tara na nga, saan mo ako dadalhin boyfriend ko?" I asked.

"Saan mo gustong kumain?" He asked.

Ay hindi na nagalit na tinawag ko siyang boyfriend.

"Gabi na at mukhang wala ng bukas ma restaurant. Sa malapit na convenient store or hindi kaya sa fast food na lang, yong McDo 24/7."

Tumango lang ito at pumasok na kami sa kotse niya. Hindi ako pinagbuksan ng pinto!

Umirap na lang ako at padabog na pumasok sa loob. Ang liit at ang baba naman ng kotse niya sa loob.

"Mamahalin ang saskayan mo pero ang baba, pag bumabaha ba hindi to pinapasok ng tubig?"

"Hindi."

Ay wow, mas malamig pa sa ice.

"I'm using my other car when it's raining." Aniya, ang gara.

"Tapos ang liit mahirap mag-momol sa ganitong sasakyan." Saad ko at nabulonan naman ito sa sarling laway.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Tanong niya. Namumula siya.

"I mean paano yan kung gusto natin mag-momol dito? Ang hirap." I said.

"We can use the other car." Aniya at ako naman ang nagulat.

The fuck?! Magpa-pyesta ako dahil marunong na siyang makisakay sa biro ko!

"Bet ko ngayon ang mood mo, galing sumakay sa mga sinasabi ko." I clap my hands.

"Sanay na ako sayo." Aniya.

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now