Chapter 6: Chryseis Athena

35 2 0
                                    

Tatlong araw na wala nga siya, hindi naman sa hinahanap ko siya pero paano ko magagawa ang plano ko kung wala siya rito. Alangan naman gagastos pa ako ng plane ticket para lang sundan siya doon sa Manila.

Consuelo, Faye, and Lavender was right! Wala nga siya madalas dito kasi pabalik balik siya sa Manila. I should be thankful kasi kahit paano ay may day off ako sa panghaharot sa kanya.

Ubos na ang bala ko para lang pakiligin siya at pangitiin pero dahil sa walang kwenta niya palaging reaksyon ay hindi ko alam kung kinikilig din ba siya o gusto na ako hampasin ng upoan.

Sa tatlong araw na wala siya ay naging payapa ang buhay ko, walang mangungulit at wala akong susundan kahit saan siya pumunta. Ang nakakainis lang bakit hindi niya magawang mag-text sa akin kung okay lang ba siya or ano?!

Ay wait, walang kaming kaya bawal yon.

Ayaw ko rin naman siyang kulitin dahil baka pagalitan ako at busy siya.

Kamo busy sa mga babae niya. Malanding lalaki.

"Wala kang trabaho ngayon sa bar diba kasi sirado iyon for the mean time? Kasi may pinapa-renovate na part ng bar." Tracy said and I nodded. "Ay good yan."

"Bakit alam mo yan? Isa karin ba sa mga construction worker na nagtatrabho roon?"

"Gaga, I saw Ate Monica kanina kaya sinabi niya sa akin." Anito. "Tara labas tayo doon tayo sa kabilang bar uminom."

"Tinatamad ako ngayon na lang nga ang pahinga ko tapos ginaganyan mo pa ako." Saad ko na para bang aping-api sa buhay.

"Bahala ka nga, ililibre naman kita at tsaka naroon din ang mga kaibigan ni Frince." Aniya.

"Oh aanohin ko sila?" I asked. "Wala naman don si Frince."

Natahimik siya bigla kaya tinignan ko ito. Tulala ito sa akin at nanlalaki ang mata. Mukhang tanga na adik.

Kinulang to siguro sa aruga ng magulang ng bata pa lang. Kulang yata sa buwan ito at nailabas ng nanay na wala sa oras.

"Magbihis kana kasi." Aniya.

Ala sais na ng gabi ng pumunta siya sa apartment ko at binulabog ako, mabuti na lang at mabait ang landlord namin dito at hinahayaan na lang siya na lumabas pasok kahit hindi naman siya nakatira rito.

Magtataka paba ako? Kunting pangbobola at pa-cute niya lang ay makukuha niya na kaagad ang loob ng isang tao. Kaya minsan ayaw ko siyang kausap kasi alam ko ang technique niya.

Pumasok ako sa kwarto ko at naligo muna dahil pawis na pawis pa ako galing trabaho kanina. I let my hair down at naglagay ako ng light make-up.

I wore a white mile high skinny jeans, and a handkerchief in my upper clothes, ito ang uso dati at hanggang ngayon naman. Isinuot ko ang white sneakers ko bago lumabas sa kwarto.

Cellphone at wallet lang ang dala ko. Nag-suot rin ako ng necklace para mas gumanda naman ang harap ko, hindi lang flat.

"Ano yang suot mo? Akala ko out kana diyan?" Agad na tanong ni Tracy ng makita ako.

"Sayang eh sobra sampo ang ganito ko pero hindi ko na nasusuot." Saad ko.

"Duhh naalala mo noon na pinatawag ka sa office dahil unang araw ng klase ay ganyan din ang pormahan mo? Halos lalaki sa building ay nagkandarapa sayo non!" She spat.

"Kaya nga hindi ko na sinuot kaagad diba? Hindi naman na ako estudyante ngayon at sa bar naman punta ko. Manahimik kana nga at umalis na tayo bago tuloyan magbago ang isip ko."

Inirapan niya na lang ako at bumaba na kami sa apartment building bago sumakay sa sasakyan niya.

"Magtago lang tayo kasi baka nandyaan pa si Ate Monica sa bar niya at isumbong ako kay Kuya."

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now