Chapter 5: Chryseis Athena

33 3 0
                                    

"Saan ako?" Unang tanong ni Tracy ng magising ito. "At bakit ako naka-hubad?!"

"Gago kaba? Hindi ka nakahubad kita mo naman suot mo ang damit ko." Saad ko.

"I mean, bakit suot ko ang damit mo? Saan ako? Wala akong pang-ransom." Aniya.

"Nasa apartment ko tayo ngayon, gago kaba? Lasing na lasing ka kagabi at pasalamat ka marunong ako mag-drive ng sasakyan kaya nadala ko ang sasakyan mo at hindi ako nahirapan sayo. Pag nagkataon na pinahirapan mo ako kagabi ay ihuhulog na lang kita sa kanal."

"Duhhh, ako malalasing? Hindi kailanman nangyari sakin yon noh." Saad niya.

"Oh eh ano ibig mong sabihin? Na nagsisinungaling ako na lasing ka kagabi? Bakit nga ba nalasing ka?"

Natahimik naman siya at parang nag-iisip pa kung bakit nga ba.

"Hindi mo alam? Yang alcohol tolerance mo kagabi ay mas mababa pa sa grade mo nong college tayo." Saad ko.

"Duhh ikaw naman ang alcohol tolerance mo kahit kailan ay mas mababa pa sa height mo." She fired back.

Umirap naman ako.

"Bumangon kana nga diyan pasalamat ka't linggo ngayon kaya wala akong pasok sa coffee shop. May niluto akong sopas doon sa kusina kaya kumain kana at umuwi kaagad, sumakit ang katawan ko kagabi ng sinipa mo ako at nalaglag ako sa higain kaya sa sofa na lang ako natulog." Kwento ko.

Syempre hindi ako papayag, nong sinipa niya ako ay kinuha ko sa kanya ang unan ko para gamitin sa pagtulog ko, ngayong umaga ko lang talaga binalik iyon sa ulo niya dahil alam na alam kong magre-reklamo siya kung bakit wala siyang unan.

Nag-linis naman kaagad ako ng apartment ko ng umalis na ito, ang kapal ng mukha inubos pa talaga ang sopas na niluto ko.

Kinuha ko ang labahan ko at bumaba na kaagad sa apartment building para magpa-laundry, isa pa ito sa ayaw ko. Gastos sa pera dahil nagpapa-laundry ako pero wala akong choice dahil ito talaga ang pinaka-ayaw kong gawain.

"Good morning, Sir." Saad ng babae na nagbabantay.

Hindi naman nanakawin tong laundry shop, eh. Sino naman tangang magnanakaw na pipiliin pang nakawin ang mabibigat na gamit para lang maibinta ng mahal? Pero ito si ate makabantay parang kukunin ba talaga namin tong malalaking washing machine at dryer nila rito sa shop.

"Ay wow bakit ka nandito?" Tanong ko

"I didn't know that you are here too. Baka isipin mong sinusundan na naman kita. Ganon kapa naman mag-isip." Frince said.

"Bakit defensive ka? Wala pa naman akong sinasabi na obsessed ka sakin." I said.

"Tss, makalaba na nga." Aniya.

Napatawa naman kaagad ako. Saan ba pinaglihi ang lalaki ito? Parang pinaglihi naman siya ng nanay niya sa sama ng loob.

"Baka gusto mo munang unahin ang hugasan yan kesa sa dryer ano?" Ngisi ko.

"What?" Hinarap ako.

Ay hindi ko bet. Hindi gets.

Alam kong mayaman naman siya. I mean ng pamilya niya pero sana wag naman siyang magpahalata.

Kawawa naman ang lalaki ito, ito minsan ang problema pag masyadong mayaman. Hindi tinuturoan ng gawaing bahay at ini-ispoiled pa.

"Sabi ko hugasan mo muna yang damit mo bago mo i-dryer." Saad ko at bakas ang pagtataka sa mukha niya. Hindi alam.

Konti na lang iisipin ko talagang sinadya niya lang na pumunta rito para makita ako at hindi talaga siya maglalaba eh.

Lumapit naman kaagad ako sa kanya at tinulongan siyang ilabas ang damit niya mula sa dryer at ilipat sa washing machine.

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now