Chapter 1: Chryseis Athena

61 3 0
                                    

I looked at myself once again on the mirror, I'm wearing a ripped jeans and a red satin cowl neck top with my red stilettos and canvas tote bag. This is it, I can do this. Para sa pera, para sa ekonomiya ng buhay ko. Dapat hindi ako mabigo dito.

Frince:

I'm on my way.

Me:

Can't wait to see you!

Halos masuka ako ng sabihin ko iyon dahil, ito talaga ang hindi ko kayang part ng kalokohang ito. I'm not good at texting or in sweet words, pero dahil kailangan sa parte ng larong ito kaya kailangan ko ring lunokin ang suka ko. Hindi ko kaya ang kabaduyan na mga sinasabi ko, parang ikamamatay ko!

Agad akong bumaba sa apartment ko at pumara na ng taxi at nagtungo sa coffee shop na sinabi ni Frince kung saan kami magkikitang dalawa. Kainis, kailangan ko pang gumastos ng pera dahil dito, kaya dapat makuha ko kaagad ang loob niya sa loob ng dalawang buwan ng pagde-date namin para mas madagdagan ang bayad sa akin.

Ako ang namumulibi pagdating sa ganito, e. Hindi naman literal dahil minsan ang mga lalaki rin ang nagbabayad pero pag natyempohan ko talaga na kuripot ang lalaki na pinapagawa sa akin ay wala akong ibang choice. Parang lumabas pa na sugar mommy nila ako!

"Dito na lang po." I said at nag bayad bago bumaba.

I check my face before I went inside, I don't want him to see me na haggard pa sa haggard dahil baka ma-turn off ito sa akin mahirap na, I don't chase boys, sa katunayan ay isa pa lang ang naging boyfriend ko kaso nga lang ay nag-hiwalay rin. At ngayon ay inaakala ng lahat na malandi ako dahil nakikita nila akong paiba-iba ang kasamang lalaki.

Duh walang personalan, trabaho lang to!

"Hi," I said when I saw Frince.

"Please be seated." He said ano ba yan! Masyadong pormal!

Palihim akong umirap at umupo sa bakanteng upoan na nasa harap niya. Bakit ba dito ang napili niyang lugar? Halos manliit ako sa sarili ko dahil mukhang yayamanin ang kumakain. Hindi lang naman ako na inform sana nag rent lang man ako ng gown.

May lumapit na waitress at nag-order naman kaagad kami, hindi ako nabigo dahil mabilis naman kaagad dumating ang order namin. I really want to get out in this place, parang papatayin ako dahil sa nakaka-insultong tingin ng mga babaeng ka-edad ko. Ano bang problema nila? Kung bibigyan nila ako ng three hundred thousand pesos ngayon ay ibibigay ko kaagad sa kanila ang lalaking kasama ko.

"Hi, Frince, I didn't know you're back." Biglang lumapit ang isang babae.

"Uh yeah but I'm going back to Manila next week." Walang ganang saad ni Frince at sumulyap pa ito sa akin na para bang gusto niya tulongan ko siyang makawala sa babaeng yon. Bahala ka.

"Uh Frince, I want to eat potato cake." I said in a sweet voice.

Bahala ang babae sa buhay niya, alam niya ng may kasamang babae si Frince tapos lalapit lapit siya dito sa pwesto namin at magpa-pacute na parang wala lang ang presensya ko sa kanya. Duh! Edi go basta importante sakin ang pera.

"You order, I'll pay." He said.

Ayy gusto ko'to, sugar daddy!

The Rusty Game -Negros Series #2 (Completed)Where stories live. Discover now