PROLOGUE

1.4K 42 3
                                    


PROLOGUE

IVAN'S POV

"Let's break up," she said with a stoic expression.

We're currently inside our favorite restaurant. This is supposed to be our third anniversary and here she is ruining the day.

"Ivan, you heard me, right? I'm breaking up with you." She really had to repeat it.

Malakas naman akong natawa kaya bigla kaming pinagtinginan ng mga nasa kabilang table. Nang mahimasmasan ay saka ako nakangiting tumingin sa kanya. "In fairness, natawa ako roon." Nagkunwari pa akong nagpupunas ng luha ko sa katatawa. "Since when did you become a comedian? Hindi ba't drama actress ka—"

"Do I look like I'm joking?" iritadong tanong niya sa akin. "I'm fvcking serious here, Ivan. I want us to break up."

Seryoso ko siyang tiningnan. "At paano kung ayaw ko?"

She glared at me. "Don't be selfish, Ivan. We've been together for three years. Isn't that enough?"

"Give me a reason, Tres. A valid reason."

"Ayoko na. Pagod na ako. Hindi ba pwedeng 'yun na 'yon?"

Umiling ako. "Imposibleng 'yun lang ang rason mo. Minahal kita, minahal mo rin ako—"

"How are you so sure?" I stared at her. "How are you so sure that I loved you? Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabing artista ako? Hindi ba pumasok sa isip mong umaarte lang akong mahal kita?"

I kept shaking my head, trying to remove her nonsense reasoning. "That's not true. That's not true. You loved me, Trecia. I know it. You loved me honestly as much as I love you—"

"You know what? Walang patutunguhan 'tong pagtatalo natin, Ivan. Paiiralin mo lang ang katigasan ng ulo mo. I already said I wanted to break up. Now do your part and let me go. Hindi ba't mas madali 'yun?"

"Paanong magiging madali para sa aking hiwalayan ka? Ha, Tres? Sa tingin mo ba ganon kababaw 'yung nararamdan ko para sayo? 'Yun ba 'yong gusto mong sabihin?" galit kong tanong sa kanya. Kulang na lang ay magsigawan kami. Ang mga tao sa kalapit naming lamesa eh nanonood na sa amin pero wala akong pakealam.

"I'll leave now, Ivan. And don't you dare get stubborn on me." She stood up and left our table—left me.

Nakatulala lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan siyang mawala. I could feel their stares, I could feel my tears flowing on my cheek, but I just sat there frozen and my mind in chaos.

Sa hindi ko malamang dahilan ay ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ayaw nilang gumalaw para habulin siya—para pigilan siya. Ayaw nilang gumalaw.

So I just sat there, while my life left me completely.

Her Mischievous Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon