CHAPTER TWENTY-SIX
IVAN'S POV
Nagmamadaling pinatay ko ang TV dahil sa napapanood kong trailer ng bagong movie ni Tres. Alam ko namang palabas lang 'yun—na acting-an lang 'yun, pero kasi—
"Argh! Nakakairita! Bakit naman kasi kung makahawak siya sa bewang ni Tres eh parang... parang—Aisht!" Napasabunot na lang ako ng buhok ko saka ibinato ang remote control sa sofa.
Alam ko namang magiging ganyan ang mangyayari simula nang malaman kong artista siya eh. Alam ko naman pero may mga oras talaga na hindi ko mapigilang magselos sa mga co-actor niya—mga leading man niya.
Ilang saglit akong masamang nakatitig sa TV nang marinig ko ang katok na nagmumula sa main door ng apartment ko. Agad kong tiningnan ang oras saka nagtatakang napaisip. Sinong pupunta ng ganitong oras?
Hindi agad ako tumayo at nakatitig lang ako sa pinto kaya naman nang mag-ingay ito na para bang may nagbubukas ay saka lang pumasok sa isip ko kung sino ang kumatok.
"Please tell me that you did not get jealous of Isaiah," nakangising bungad niya pagkapasok na pagkapasok ng apartment ko.
I then glared at her. "Ba't naman ako magseselos sa lalakeng 'yun eh di hamak na mas gwapo ako sa kanya." Iritado akong bumalik sa sofa at nagmukmok doon.
Narinig ko naman ang mahina niyang tawa at ang hakbang niya papalapit sa akin saka ko naramdaman ang mainit niyang yakap. "He's really handsome though."
Napasinghap naman ako saka mabilis na humarap sa kanya. "Tres!" Malalaki ang mga matang tiningnan ko siya. "Sinasaktan mo ako!"
Muli na naman siyang tumawa na para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. She then gave me a peck on my lips. "Ano naman kung gwapo siya, when you're the only one I love and adore? Hmm?" Ang tamis pa ng ngiti niya.
Naramdaman ko namang lumambot kaagad ang mukha ko sa ginawa at sinabi niya. Ano ba, Ivan‽ Hindi ka marupok! Nakakatanggal ng angas 'yan!
Hindi ko na napigilang yumakapnsa bewang niya saka isiniksik ang mukha ko roon. Tres chuckled at that before softly caressing my hair. "Don't feel so jealous, hmm? You have to understand that meeting and pairing with another man is part of my job, but you and only you would be the only person I'll love, okay?"
Parang maamong aso na dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya saka ko inangat ang ulo para tingnan siya. "Mahal kita, Tres. 'Wag mo 'kong ipagpapalit, ha? Ikaw lang din kasi ang mamahalin ko hanggang dulo."
She gave me a soft smile and leaned down to kiss my forehead. "I love you too, Ivan, and yes, it would only be you too."
Napangiti na ako saka bumalik sa pwesto ko na halos nakahiga na sa sofa. Tres was still caressing my hair, making me drift off to sleep.
Ah... contentment.
"Mahal... M-Mahal mo talaga ako?" mautal-utal kong tanong sa kanya. Para kasing hindi na ako makahinga at parang nanghihina ako sa sinabi niya. T-Tama naman ang narinig ko, d-diba?
Tuluyan naman na akong sInamaan ng tingin ni Tres. "Do I really have to say it again and again? We are already inside your apartment for almost an hour now, Ivan. Seriously—"
Walang sabi-sabihing hinatak ko siya papunta sa akin. I hugged her tight, not wanting to let her go. Not anymore. I don't want to anymore. "Mahal... na mahal din kita. Kaya please... 'wag mong isipin na may naging iba ako dahil hinding-hindi kita kayang ipagpalit, Tres. Ikaw lang hanggang dulo," bulong ko sa kannya dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako nang malaman kong mahal niya ako.
Niyakap niya rin naman ako pabalik. "I... I honestly do not deserve your love, Ivan," panimula niyang bahagyang nagpatigil sa akin. "I... I hurt you. I broke up with you, saying that all I did was act as if I loved you, but that was all a lie, Ivan. I loved you, and I still love you. I was... I was just scared of Dad, but I know that it was just an excuse. I still brought you pain. I... I don't deserve your love—"
"No. No." Agad akong kumawala mula sa pagkakayakap namin sa isa't isa saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Unshed tears were visible in her eyes. Napailing naman ako. "Hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan dahil magsisinungaling ako kung ganoon. But remember this, Tres. It's all in the past now. Ang mahalaga ay mahal pa rin natin ang isa't isa. Let's just learn from our mistakes, ha? Kaya natin ito. Kakayanin natin ito. Tayo pa ba?" Ngumiti naman ako para mapagaan ang sitwasyon.
Bigla naman niya akong niyakap saka ko nararamdaman ang sunod-sunod niyang pagtango. "Yes. Yes. I love you. I'll make it up to you."
I softly caressed her hair and her back. "Just love me, and that's alright with me," pang-aalo ko. Bigla naman akong may naalala. "Pero 'yung sinasabi mong niloko kita... Hindi kita niloko. Totoo 'yung sinasabi ko, Tres. Maniwala ka—"
Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin saka tumango at ngumiti. "I know. I know. I know it now. Thank you. And from now on, I'll trust you more." Bigla namang nawala ang ngiti niya. "And as for you, trust me too, okay? Unfortunately, I'll still be an actress even after our movie. Kaya tigilan mo ang kaseselos sa mga leading man ko sa next projects, because for me, you're the leading man of my life." She even flashed a sweet smile after saying those last words.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko. Buset! Tanggal talaga angas mo, Ivan! Agad akong umiwas ng tingin kay Tres kaya siguro expected na ang pagkarinig ko sa mahina niyang tawa.
"Aww... My cute Ivan," rinig ko pang asar niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Umarte naman siyang mukhang inosente. "Yes, my Ivan? Why are you glaring at me? Are you mad at me? Hmm?"
I flatly looked at her before I looked away. "Buti na lang talaga at mahal kita."
Niyakap naman niya ako ulit saka mabilis na hinalikan sa labi. "Don't worry. I love you too even though you're crazy and sometimes a bit too possessive."
Muli ko naman siyang tiningnan. "Parang ako lang ang possessive sa ating dalawa ah? Sino kaya ang masamang nakatingin kay Miss Belinda nung shoot namin—"
Agad na bumitaw si Tres saka sinamaan ako ng tingin. "Bakit? Gusto mo ba 'yung paghawak-hawak niya sa'yo? Huh? And have you seen the way she looks at you?" Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "It's pretty fvcking obvious that she desires you." Halatang galit na galit si Tres habang naka-cross pa ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya.
Mahina naman akong natawa. "Oh edi patas lang. Ganyan din naman 'yung nararamdaman ko simula noon eh. Ang sarap pagpuputol-putulin ng mga kamay ng mga lalakeng 'yun."
Napabuga na lang ng hangin si Tres saka muling tumingin sa akin. "Basta. Don't you let her touch you like that whenever the cameras aren't rolling, okay?"
I playfully saluted my boss. "Yes, Ma'am. Sayong-sayo po ako. Tapat at totoo."
Napailing na lang siya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. She then offered her hand to me. "Come on, let's go to bed now. I miss cuddling with you."
Napangiti naman ako saka tinanggap iyon. Together, hand in hand, we entered my bedroom and cuddled all throught the night.
BINABASA MO ANG
Her Mischievous Smile [COMPLETED]
General Fiction~•~•~ Risus Series 2 ~•~•~ Out of many people in life, Trecia Davies was the woman whom Ivan could never ever forget. He may have hated her for breaking up with him but who was he kidding for saying he already moved on? Now, years after "moving on...