CHAPTER TWENTY-SEVEN
IVAN'S POV
Finally, at malapit na kaming matapos sa shooting. Palagi kong naiisip kung panaginip lang ba ang lahat pero mukha namang hindi.
Bumalik si Tres sa pagiging sweet pero hindi naman na siguro mawawala yung pagiging mataray niya. Madalas din siya sa apartment ko dahil puro raw stress sa unit niya. She cooks me breakfast, we eat lunch outside, and have our dinner inside my apartment.
It was too good to be real. To the point na kinakalimutan ko na ang nangyari sa amin noon. Na nasaktan namin ang isa't isa noon. At ngayon, I should focus on us... on our present... para hindi na maulit ang nangyari noon.
Kasalukuyan akong busy mag-memorize ng script nang biglang mag-ring ang phoe ko. Agad ko namang inabot iyon sa coffee table saka napangiti nang makita kung sino ang tumatawag.
"Yes, my dear, gorgeous ate?" pang-aasar ko kay Ate.
(Tigil-tigilan mo 'ko, Jester. Ha?)
Mahina namang akong natawa sa bad mood niyang tono. "Bakit ka napatawag, Ate?" Umayos naman ako ng upo saka inilapag muna ang script sa sofa.
(Miss ka na ni Martha. Gusto ka raw maka-usap.)
"Aww... Buti pa ang napakaganda kong pamangkin, nami-miss ako. Si ATee kasi, palibhasa eh busy na magdamag sa chukchak—"
(Ivan Jester!)
Malakas akong natawa at bigla namang lumabas si Tres mula sa kusina para silipin ako. Sinenyasan ko naman siyang may kausap ako. "Joke lang, Ate. Ito naman eh, 'di mabiro." Napatango naman si Tres saka muling bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto ng hapunan namin.
(Siraulo ka talaga kahit kailan. Kaya ka siguro hindi sinasagot niyang Trecia mo.)
Napangisi naman ako. Hindi pa kasi namin pinapaalam kahit kanino ni Tres ang tungkol sa amin dahil tinatantya pa namin ang ama niya. "Sus! Sa sobrang gwapo ko, Ate, sasagutin niya rin ako."
Nai-imagine ko namang umiiling na lang si Ate. (Ewan ko sa'yo. Oh, ito na. Kakausapin kaa na ni Martha. Hi po, my tito Jes!)
"Ey! My favorite pamangkin! How are you?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
(I am very happy po, Tito Jes! Mommy and Daddy will get married na raw po by the end of the month po.)
Mas lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa tono ng pananalita niya. I'm glad that they are happy. "Miss mo na si Tito Jes?"
(Opo, Tito! When are you gonna come home po?)
Martha seemed like she was pouting which made me chuckle. "Miss ka na rin ni Tito Jes. As for me coming home, baka mga next month pa. Pero may surprise si Tito pag-uwi." Naisip namin ni Tres na pagkatapos nitong movie, pupunta kami sa Pilipinas para sa paghahanda ng kasal nila Ate at para na rin sabihin sa kanila ang relasyon namin.
(Yehey! I'll look forward to it po, Tito!)
Napangiti naman ako. Akmang sasagot pa ako kay Martha nang makita kong lumabas muli ng kusina si Tres saka ako sinenyasan na handa na ang hapunan namin. Tumango naman ako saka nag-flying kiss na ikinailing niya na lang niya saka muling pumasok sa kusina. Mahina naman akong natawa. "Martha, my favorite pamangkin, Tito will buy you tons of drawing materials but for now, go to your mommy and daddy and disturb them for me, okay? Kakain muna si Tito ng dinner then I'll sleep na eh."
(Okay po, Tito Jes! I love you po!)
"Love you too, my most favorite pamangkin."
Martha giggled. (I'm your only pamangkin po, Tito.)
I gasped. "Hala! 'Wag mong ipagkakalat 'yan." Muling natawa si Martha. "Good morning to you there, Martha."
(Goodnight po, Tito Jes!)
After that ay nawala na sa kabilang linya si Martha. Nakapatay na rin ang tawag kayanaman iniwan ko na lang iyon sa coffee table ulit saka pumunta na sa kusina. Nakaayos naman na ang hapagkainan namin at ako na lang talaga ang hinihintay. "Ang bango naman po talaga," I complimented her cooking.
Tres seemed pleased. "Thank you. Now wash your hands and take a seat. I'm hungry."
Mahina naman akong natawa saka siya sinunod. Nang makaupo na ako sa pwesto kong katapat niya ay nagdasal na muna kami saka kami kumain. Akmang susubo ako sa pangatlong beses nang may maalala ako. "Tres?"
Inangat niya naman ang tingin niya sa akin. "Hmm?"
"Naalala mo nung pumunta ako sa Pilipinas na dapat isang linggo lang pero naging dalawa dahil naaksidente sina Mama?" seryoso kong tanong sa kaniya.
She slowly nodded her head. "Hmm... Yeah, what about it?"
"Diba tinawagan mo 'ko noon para tanungin kung bakit ko sinabi kay Martina na anak ko si Martha?"
Napansin ko ang bahagya niyang pagkatigil bago inabot ang baso niya saka uminom bago muling tumingin sa akin. "Yeah... I remember that."
Tiningnan ko siya ng medyo seryoso. "Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yun?"
Huminga nang malalim si Tres bago sumagot. "Two... days after you went to the Philippines, I went there too to visit Martina."
Ilang beses naman akong napakurap. "Akala ko nasa bakasyon na nun sa ibang lugar?"
Umiling naman siya. "I had to talk to Martina... warn her about..." Napatikhim siya. "About your sister."
My forehead creased. "My sister?"
Tres nodded. "I hated you that time. I thought you cheated on me, played me, hurt me. So I did my best to protect my best friend from your sister. I knew about her having a kid but I never knew who the father was. I mean the source did not know who the father was, so I had to protect Martina. Hindi pwedeng nasaktan na ako ng bunso ng Myers eh masasaktan pa ng panganay ng Myers ang best friend ko. So yeah... I told him to stop pursuing Theresia."
Ilang beses akong napakurap habang pinapakinggan ang paliwanag niya. Hindi ko kasi malaman kung maiinis ako o hahayaan ko na lang dahil nakaraan na iyon. Pinili ko na lang yung pangalawang choice. "Okay... Understandable..." I then thought of my other question. "So... Nung kinausap kita tungkol sa pagma-matchmake kela Ate at Martina na pumayag ka naman, nasaan ka nun?"
She let out a sigh. "At the airport. I was leaving for my real vacation." She let out another sigh. "I actually saw them." Mahinang natawa si Tres. "I witnessed their proposal to one another. It was actually pretty sweet."
Napaangat naman ang isang kilay ko pero agad ko iyong ibinaba. "Talaga? Sweet 'yun?" I asked with a low voice, hindi ipinapahalatang tine-testing ko siya.
She looked like she nodded without thinking. "Yeah, they were tearing up, and both of them had a ring for each other. I judged your sister too much. I apologize for that."
Napatango naman ako. "Ayos lang. Mukha namang magiging okay din kayo ni Ate eh. Saka mage-gets niya naman kung sinabi mong pino-protektahan mo lang si Martina." I saw her let out a small but genuine smile. "So... Tayo ba..."
Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin na sa akin. "What about us?"
"Kailan mo gustong magpakasal tayo—Tres!" Nagmamadaling inabot ko sa kaniya ang baso niya ng tubig. "Inom inom," natatawa pero nag-aalalang sabi ko sa kaniya.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Be careful with your words, Myers."
Hindi ko na napigilang matawa. "Joke lang naman eh." Nakabalik na kami sa pwesto. "Pero anak? Ilan gusto mo—"
"Myers!"
Malakas akong tumawa nang makita ko ang pamumula niya sa inis. "Gusto mo bang gumawa na?"
"That's it." She stood up with her fork and was about to stab me but I quickly ran away.
We spent the rest of our night with me teasing her and her glaring at me, but ended it with a cuddle.
And this is what I call perfect. I could never ask for someone else.
Just my Tres and it's perfect.
BINABASA MO ANG
Her Mischievous Smile [COMPLETED]
General Fiction~•~•~ Risus Series 2 ~•~•~ Out of many people in life, Trecia Davies was the woman whom Ivan could never ever forget. He may have hated her for breaking up with him but who was he kidding for saying he already moved on? Now, years after "moving on...