CHAPTER NINE
IVAN'S POV
"So what's the deal, Myers?" bungad sa akin nitong babaeng 'to pagkalabas ko ng meeting room.
Mas nauna kasi siyang lumabas nang tapusin ni Mr. Davies ang meeting at ipinaiwan na naman ako para ipaalala ang usapan naming dalawa.
Hindi ko na lang siya pinansin saka nagtuloy sa paglalakad papunta sa elevator. "Don't act snob, Myers. We both know you aren't."
I flatly looked at her as I waited for the elevator door to open. "People change, Davies. Am I not mistaken?"
Halatang natigilan si Tres na sakto namang bumukas ang elevator kaya pumasok na ako. Nakasunod naman siya sa akin.
Still the Tres I knew. Chin up and cares about no one else around her. Napailing na lang ako saka pinindot ang floor na sadya ko.
"What will you be doing on the seventh floor?"
Taka naman akong napatingin kay Tres. "Ako ba kausap mo?"
She rolled her eyes before staring at the elevator's door. "Duh. Malamang. Unless we have someone else in here with us," pabalang niyang tanong.
Iritado kong ibinalik ang tingin ko sa harapan. "Ang tino mo talagang kausap."
"Right back at you."
Nanatili na lang akong tahimik saka hindi na siya pinansin. Hay! Bakit nga ba ako napunta sa posisyong ito? Minsan talaga hindi ko na alam kung sino ang babatukan eh. Napabuga na lang ako ng hangin.
Nang bumukas ang elevator door ay lumabas na ako. Naramdaman ko namang may nakasunod sa akin kaya nilingon ko ito.
My forehead furrowed while staring at Tres. "Sinusundan mo ba ako?"
She scoffed. "You wish. May I remind you, Myers, I am in my family's building meaning I can be wherever I wanna be." Inirapan niya lang ako saka nauna nang naglakad sa akin.
Napailing na lang ako saka naglakad papunta sa kailangan kong puntahan. Kailangan ko lang naman daw pumirma sabi ni Mr. Davies and then I can go back to my unit.
(Is this Ivan Jester Myers?)
Napakunot naman ako ng noo ko. "Speaking. Who's this?"
(Theodore Davies. Let's meet in a cafe near your apartment in New York.)
Mas lalong lumalim ang gitla sa noo ko. "But sir, with all due respect, I'm not in New York right now."
(I'm well aware, Mr. Myers. So come here as soon as possible.)
"What for?" Simula't sapul ay alam kong ayaw sa akin ng tatay ni Tres, kaya bakit gusto niya akong makausap ngayon?
(I want to propose a deal.)
I took a deep breath. "Sir, I have no plans talking to your daughter and neither does she. We're not doing anything you didn't say."
I then heard him chuckle. (That's just it, Mr. Myers. You will be on speaking terms with Trecia.)
Mas lalo lang akong naguguluhan sa pinagsasasabi niya. Gusto ko na lang siyang diretsuhing tanungin kung anong nasinghot niya. "What is it you want, Mr. Davies?"
(Just a deal, Mr. Myers.)
"And what if I refuse?"
(Then I'll just have to expose your sister's secret to the public, plus her daughter's father.)
Naramdaman kong nanigas ang katawan ko. A-Anong sabi niya? Si Ate? Damay? Napailing na lang ako. "I'll be there tomorrow morning."
(That's better, Mr. Myers. Nice to talk to you.) He sounded pleased.
Ito na rin ang nagbaba ng tawag kaya napahilamos na lang ako ng mukha.
Bakit kailangan pang damay si Ate? Ano ba kasing trip ng matandang 'yun? At ano? Makakausap ko na naman si Tres? At bakit? Eh ayoko na nga siyang makita.
Nakakairita namang buhay 'to oh!
"Jes, ba't mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa?" natatawang tanong ni Ate habang papalapit sa akin.
Pinilit ko na lang ngumiti. "Kasi naman, Ate. May kailangan akong kitaing kliyente bukas din ng umaga," pagsisinungaling ko.
She raised an eyebrow. "Oh. Hindi ba dapat eh masaya ka?"
"Kailangan ko kasing umalis kaagad, Ate. Sa New York pa kasi yung base nung kliyente kaya kailangang ako pa ang mag-adjust."
"Ahh..." Pansin ko naman ang kaunting lungkot sa tono ni Ate. "Basta ba mag-iingat ka lagi ha? Mamimiss ka na naman ng pamangkin mo. Alam mo naman kung gaanon ka nun kamahal."
Mahina naman akong natawa saka napangiti na lang. "Mamimiss ko rin naman siya. The best pamangkin ko 'yun eh."
"Iisa lang ang pamangkin mo, Jes." Natawa na lang din ako. "Ikaw ba?"
Naguguluhan akong napatingin sa kanya. "Anong ako?"
"Kailan mo planong mag-asawa't magka-anak? For sure kinukulit ka na nila Mama."
Napabuga naman ako ng hangin. "Hindi ko pa 'yan masyadong iniisip, Ate eh."
"How about a girlfriend?" Nakangiti akong umiling. "Don't tell me hindi ka pa naka-move on doon sa ex mong nito ko lang nalaman."
Mahina naman akong natawa. "Ano ka ba, Ate? Matagal na akong naka-move on kay Tres."
"Sure ka?" paninigurado niya.
"Oo naman. Baliw ka talaga, 'te. Ba't mo naman naisip 'yun?"
She shrugged. "May nai-kwento lang si Martha."
My eyes squinted. Mukhang alam ko na kung ano ang naikwento ah. Nako naman, pamangkin ko! Hindi na ikaw ang favorite ko!
Bigla ko namang narinig ang tawa ni ate. "Joke lang. Ito naman masyadong pahalata eh." She patted my shoulder before she decided to stand up. "Basta kung sino ang mapusuan mo, suportado kita, okay?"
Napangiti naman ako. "Salamat, Ate."
She tapped my shoulder once again before leaving. Ako naman eh naiwan sa sala habang nakatitig sa phone kong nakapatong sa coffee table namin.
Ano naman kayang pag-uusapan namin nung matandang 'yun? At paanong alam niya ang tungkol kay Ate? Kahit ang tatay ni Martha?
Napailing na lang ako. Huling usap namin ay noong pinapalayo niya ako kay Tres. Noong araw rin na nakipag-break sa akin si Trecia.
Nahiga na lang ako saglit sa sofa saka napagdesisyunang umakyat sa kwarto ko para mai-ayos ko na ang mga dadalhin ko kahit kakaunti lang naman.
Bitbit ko pa rin naman yung laptop ko kasi nandoon din naman lahat ng kailangan ko.
Time flew fast and all I could remember was Martha crying while saying goodbyes. Para namang matagal na naman akong mawawala.
I went inside the plane and was watching some random YouTube video when an ad popped up.
Ang masama pa roon eh commercial ng paborito kong restaurant at ang bida eh si Tres.
Napabuga na lang ako ng hangin saka napailing. Naalala ko na naman siya. Kailan niya ba balak iwan ang isip ko?
Sa sobrang irita ko eh pinatay ko na lang ang laptop at pinagdesisyunang matulog muna ng saglit.
Whatever Mr. Davies is planning right now, it better be at least something good. Para naman hindi ako tuluyang mag-suffer.
Pero kung para kela Ate naman... lahat kakayanin ko.
Kahit ang pakikipag-usap sa babaeng pinakahuli kong gustong maka-usap.
BINABASA MO ANG
Her Mischievous Smile [COMPLETED]
General Fiction~•~•~ Risus Series 2 ~•~•~ Out of many people in life, Trecia Davies was the woman whom Ivan could never ever forget. He may have hated her for breaking up with him but who was he kidding for saying he already moved on? Now, years after "moving on...