Chapter 103

76 1 0
                                    

Maagang nagising si Wonwoo at naghanda. Aalis kasi ito ngayon para samahan si Mingyu sa check up nya ngayong araw.

"Aga mo, may pasok ba?" biglang sabi ni Hoshi na kakalabas lang ng kwarto na papikit-pikit pa.

"Meron, late ka na tanga" panloloko ni Wonwoo dito. Napadilat agad si Hoshi sa narinig, sa taranta nito ay napatakbo agad sa cr kaya naman tawang tawa si Wonwoo dito.

"Tanga sabado ngayon" natatawang sabi ni Wonwoo. "Alis na ko nyong, sasamahan ko si Mingyu magpacheck up" sabi nito at lumabas na ng unit nila.


Kakababa palang ni Wonwoo sa parking lot ng makita nyang tumatawag sakanya si Yugyeom. Sasagutin nya na sana ito kaso bigla itong nag end. Doon lang nakita ni Wonwoo ang mga sunod-suno na message nito sakanya. Bubuksan palang sana ni Wonwoo ang mga messages ni Yugyeom ng may matanggap ulit syang bago dito.

Kim Yugyeom

Won sinugod sa ospital si Mingyu.



—————

Pagkabasa palang ni Wonwoo ng message ni Yugyeom ay agad na itong pumunta sa ospital. Sa pagmamadali nya ay muntik na syang harangin ng traffic enforcer.

"Yugyeom? Yugyeom! Ano nangyari? Asan si Mingyu?" sunod sunod na tanong ni Wonwoo ng makita nya si Yugyeom na nakatayo sa labas ng ER.

"Hindi ko alam. Na-Nagising ako kasi magccr sana ako. Tapos...tapos nakita ko nalang si Mingyu na walang malay" nahihirapang sabi ni Yugyeom. "Kanina pa nasa loob si Mingyu, kinakabahan ako." dagdag pa ni Yugyeom.

Napasandal agad si Wonwoo sa pader ng marinig nya ang mga sinabi ni Yugyeom. Agad syang nakaramdam ng kaba at takot. Hindi nya man gusto, pero hindi nya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

Lord please, don't take him away from me. Not now, not in this life. Hindi ko kaya.


12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon