Chapter 38

136 3 0
                                    

"Tangina mo Kwon Soonyoung!" sigaw ni Wonwoo ng biglang pumasok ang binata sa kwarto nito. Dahil sa gulat ni Wonwoo ay napindot nito ang send imbis na back space.

"Wow. Hello din sayo best friend" sagot ni Hoshi at pumasok sa kwarto nito.

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ni Wonwoo.

Bigla namang humiga si Soonyoung sa kama ni Wonwoo. "Asan na pasalubong ko? Si Seokmin pa talaga nilibre mo, samantalang ako na bestfriend mo hindi. It hurts you know?" madramang sabi nito.

Tinulak naman ni Wonwoo si Soonyoung kaya nalaglag ito sa kama, napadaing naman sa sakit si Soonyoung.

"Drama mo. Lumabas ka na nga" sagot ni Wonwoo.

"Mapanakit ka talaga Wonwoo. Nagtatampo ako sayo" nagkunwari pang nagtatampo si Soonyoung at napanguso pa ito.

"Panget mo gago" panlalait dito ni Wonwoo.

"Tangina di mo ko susuyuin? Salamat ha" sarkastikong sabi ni Soonyoung.

"Sino ka ba? Jowa ba kita?" tanong pabalik ni Wonwoo.

"Hindi na kita best friend!" parang bata na sabi nito at padabog pang naglakad palabas ng kwarto ni Wonwoo.

"Drama mo. May pagkain dyan sa may lamesa." sabi ni Wonwoo bago tuluyang makalabas si Soonyoung.

Otomatikong napangiti si Soonyoung at patakbong lumapit kay Wonwoo at pinagyayakap ito. " Lab na lab mo talaga ako best friend" nakangiti pang sabi nito na halos hindi na makita ang mga mata.

Tinutulak ito no Wonwoo na parang nandidiri. "Oo na oo na. Lumabas ka na" sabi nito.

Tumigil naman sa panggugulo si Soonyoung. "Thank you Nonu, sa susunod ulit" sabi nito bago lumabas sa kwarto.




12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon