Chapter 84

66 0 0
                                    

Third Person's POV

"ngiting ngiti? kilig yan?" pang aasar ni Yugyeom sa pinsan nitong si Mingyu na nakangiti ngayon matapos basahin ang message sakanya ni Wonwoo.

"sira, hindi 'no" pagtatanggi ni Mingyu.

"pangit mo magpanggap" sabi ni Yugyeom dito. "ano na bang lagay nyong dalawa? may label na ba? comeback na ba? kayo na ba ulit?" sunod-sunod na tanong ni Yugyeom.

"hindi ko din alam? ilang linggo ko palang nakakasama si Won. hindi naman siguro agad-agad mababalik sa dati diba?" sagot ni Mingyu dito.

"may point ka" pag sang-ayon ni Yugyeom. "oh anong balak mo ngayon? bukod sa pagkausap at pagsama mo ulit kay Wonwoo" tanong nya muli.

"hindi ko alam. maayos naman kami eh" sagot muli ni Mingyu.

"don't tell me hanggang ngayon wala ka pa ding balak sabihin sakanya yung dahilan bakit mo sya iniwan?" tanong ni Yugyeom kay Mingyu na natahimik bigla.

"Gyu, hindi porket hindi nagtatanong si Wonwoo ay hindi mo na sasabihin. Oo, naiintindihan ko na nahihirapan ka at natatakot. pero Gyu, dalawang taon na ang nakakalipas, dalawang taon naghintay si Wonwoo sayo. at kung talagang mahal ka ni Wonwoo, maiintidihan nya yung explanation mo" pagpapaliwanag ng pinsan nito.

"sabihin mo na habang may oras ka pa, Gyu" sabi ni Yugyeom ngunit nanatiling tahimik pa din si Mingyu.

He's right. Maybe I should tell him. Bago pa tuluyang mahuli ang lahat.

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon