Chapter 98

67 0 0
                                    

"Yugyeom!" biglang sabi ni Wonwoo kay Yugyeom na kakalabas palang ng kwarto ni Mingyu. "K-Kamusta..." halos walang boses na tanong ni Wonwoo.

"Sa ngayon, normal na ulit yung heart rate ni Mingyu." sagot ni Yugyeom dito.

Kanina kasi ay sinugod sa Hospital si Mingyu. Agad syang dinala sa emergency room upang matignan ang kanyang lagay, ilang oras ang tinagal ni Mingyu doon bago pa sya mailagay ngayon sa private room nya.

"A-Anong dahilan? Paano? Bakit?" naguguluhang tanong ni Wonwoo.

"Exhaustion, natrigger nito yung sakit ni Mingyu" sagot ni Yugyeom.

"Sakit?" nagtatakang tanong ni Wonwoo. "Anong sakit? May sakit si Mingyu?" dagdag pang tanong nito.

Hindi nya pa din pala nasasabi.

Sabi ni Yugyeom sa sarili. Hindi akalain ni Yugyeom na sya pala ang magsasabi nito kay Wonwoo.

"Mingyu has a Congenital Heart Disease. Simula pagkapanganak nya palang meron na sya nito. Hindi normal ang puso nya kagaya ng ibang tao. Ang daming mga hindi dapat gawin ni Mingyu, kaya bata palang bantay sarado na talaga yan. Kasi ang sabi ng doctor iilan lang ang nabubuhay ng matagal ng may ganitong kondisyon"

"Hinayaan nila tita na mag-aral si Mingyu, kasi gusto nilang mamuhay pa din sya ng normal. Malakas din kasi  si Mingyu, alam kong gusto nya ding mabuhay ng normal. Akala namin ayos na ang lahat. Not until two years ago, biglang tumawag si Tita isinugod daw si Mingyu sa hospital at doon namin nalaman na lumala na yung sakit nya."

"Kaya napagpasyahan ng mga magulang nya dalhin si Mingyu sa America. Baka sakaling doon mapagaling nila yung pinsan ko or makahanap sila ng heart donor nya."

"At ayan yung dahilan bakit ka biglang iniwan ni Mingyu two years ago. Naniniwala kasi syang mas mabuti ng iniwan ka nya habang buhay pa sya, kesa sa iniwan ka nya dahil patay na sya."

"Alam ko naguguluhan ka ngayon Wonwoo. Pero sana maintindihan mo kung bakit hindi agad sinabi sayo ni Mingyu. Kahit ilang beses ko na syang pinilit, alam ko hindi pa din madaling sabihin ang ganitong bagay." sabi ni Yugyeom. "Kung gusto mo syang makita ngayon, pasok ka lang dyan sa kwarto nya." dagdag pa nito.

"Sige alis muna ako, aayusin ko lang yung pagpapatransfer kay Mingyu sa manila" sabi nito at umalis na.

Nanatiling nakaupo si Wonwoo at nakayuko. Gulong-gulo at hindi nya matanggap ang mga narinig nya. Ayaw nyang paniwalaan ang mga narinig nya. Hindi nya kayang isipin na yunv taong mahal nya ay nasa ganitong kalagayan.

Bakit? Bakit kung kailan unti-unti ng nababalik ang lahat sa dati?

Nanatiling nakaupo si Wonwoo at hinayaan nyang tumulo ang luha nya. Hindi nya alam kung papasok ba sya ng kwarto ni Mingyu, hindi nya kasi kayang makita na nasa ganoong kalagayan si Mingyu ngayon.

Hindi din nagtagal ay nakabalik na din si Yugyeom.

"Hindi ka pumasok?" tanong ni Yugyeom kay Wonwoo. Nakaupo pa din kasi sa labas si Wonwoo kagaya ng kung paano nya ito iniwan kanina.

Tanging tipid na iling lang ang sinagot ni Wonwoo.

"Itatransfer bukas si Mingyu sa hospital sa Manila" sabi ni Yugyeom. "Dito na din pala ako matutulog para magbantay. Ikaw?" tanong nito.

"Uuwi na ako" sagot ni Wonwoo.

"Sigurado ka? Ayos lang naman pre kung dito ka na din matulog" sabi ni Yugyeom. Pero hindi sumagot si Wonwoo. "Ah sige haha. Ingat ka, balitaan kita kapag nailipat na si Mingyu"sabi nito. Tinanguan lang sya ni Wonwoo at tuluyan ng umalis.

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon