Chapter 93

58 1 0
                                    

Sa mga sumunod na linggo ay halos araw-araw ng magkasama si Wonwoo at Mingyu. Kung minsan ay pinapanuod ni Mingyu si Wonwoo magtraining. Para bang unti-unti silang bumabalik sa dati.

"Mingyu" tawag ni Wonwoo kay Mingyu.

"Hmm?" sagot nito habang patuloy na nagddrawing. Nasa library kasi sila ngayon. Si Wonwoo na nagrereview at si Mingyu na nagawa ng plates nya.

"Gala tayo after exam" biglang sabi ni Wonwoo.

"Saan naman?" tanong ni Mingyu.

"Hindi ko alam, may naiisip ka bang gustong puntahan?" tanong pabalik ni Wonwoo.

"okay lang kahit saan, Won" sagot ni Mingyu.

Sandaling nanahimik si Wonwoo at nag-isip kung saan nya ba gustong dalhin si Mingyu.

"Tara Enchanted Kingdom" out of nowehere na sabi ni Wonwoo. Napatigil naman sa ginagawa si Mingyu at nagtatakang tinignan si Wonwoo.

"Naisip ko kasi na hindi pa tayo nakakapag date doon, kahif dati. Wala lang nabasa ko kasi cute daw na date sa amusement park eh" pag esxplain ni Wonwoo.

"Kung may iba ka pang naiisip okay lang naman" dagdag pa nito.

Sa totoo lang hindi pa nakakapunta si Mingyu dito kahit noong bata pa sya.

"Sige punta tayo ng Enchanted Kingdom" sagot ni Mingyu habang nakangiti.

If I'm not gonna live long, might as well make more memories with him.

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon