Chapter 70

143 4 1
                                    

Matapos ang mahigit isang oras na byahe ay sa wakas nakadating na din sina Wonwoo at Mingyu sa lugar na gustong puntahan ni Wonwoo. Lihim kang natuwa dahil hindi mo kaya ang kakaibang tensyon sa loob ng kotse ni Wonwoo kanina. Tahimik lang silang dalawa, pareho silang hindi nagsasalita, bukod sa music ay wala ng ibang ingay na maririnig.

"Tara na?" tanong ni Wonwoo kay Mingyu. Tumango naman si Mingyu dito, tingal ang seat belt nito bago lumabas ng kotse.

Pagkalabas ni Mingyu ay nagtaka pa sya kung anong ginagawa nila dito. Nasa parte sila ng Antipolo kung saan kita mo ang mga city lights. Ang dahilan ni Wonwoo kung bakit dito nya piniling pumunta kasama si Mingyu dahil espesyal ang lugar na ito sakanila. Dito kasi sila madalas pumuntang dalawa, kapag pareho silang malungkot, kapag gusto lang nila magroadtrip, kapag may magagandang bagay na nangyari sakanila at dito din ang eksaktong lugar kung saan sinagot ni Mingyu si Wonwoo.


"Ngayon nalang ako nakapunta dito ulit" sabi ni Wonwoo. Totoo yan, dahil simula nung naghiwalay sila ni Mingyu ay hindi na sya bumalik ulit sa mga lugar na pinupuntahan nilang dalawa.

"Talaga? Bakit? Favorite place mo 'to diba?" nagtatakang tanong ni Mingyu.

"Hindi na ko bumalik sa lugar na 'to simula nung iniwan mo ko. Ewan ko, masyadong masakit kapag babalik ako dito ng wala ka" sagot ni Wonwoo dito.

Tila natahimik naman si Mingyu sa sinagot  nito. Alam nyang sobra sobra nyang nasaktan si Wonwoo, alam nyang hanggang ngayon may dinadamdam pa din ng binata. Nangako pa sya dati kay Wonwoo na kahit anong mangyari hinding hindi nya iiwan ang binata, hindi nya kayang iwan yung taong pinakamamahal nya, pero hindi nya nagawa. Iniwan nya si Wonwoo ng walang pasabi. Ngayon pakiramdam ni Mingyu ay wala syang karapatang makasama at makita ulit si Wonwoo dahil sa ginawa nya dito.



"Kaya ngayong kasama kita ulit dito ko naisipang pumunta, bumalik sa lugar kung saan tayo nagsimula..." sabi ni Wonwoo kay Mingyu habang direkta itong nakatingin sa mata nito. "At magsisimula ulit" pahabol nito.

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon