Chapter 56

126 3 0
                                    


Kwon Hamster
(Kwon Soonyoung)

Soonyoung: So sino nga yung kasama mo bukas?
Sent 6:40 pm

Chismoso talaga ampota
Sent 6:43 pm

Soonyoung: May karapatan ako because I'm your bestfriend.
Soonyoung: Sino nga kasi Woooon
Sent 6:44 pm

Manigas ka
Sent 6:45 pm

Soonyoung: Damot ampota, parang wala tayong pinagsamahan ah
Sent 6:46 pm

Drama mo boi
Sent 6:48 pm

Soonyoung: Sige okay lang.
Soonyoung: Enjoy ka nalang bukas
Sent 6:49 pm

Nakngpota napaka drama talaga.
Sent 6:50 pm

Si Mingyu kikitain ko bukas.
Okay ka na?
Sent 6:53 pm

Soonyoung: TANGINA?
Soonyoung: TAMA BA YUNG NABASA KO?
Soonyoung: PAANO? BAKIT? KELAN PA?
Soonyoung: Kayo na ba ulit?
Sent 6:54 pm

Daming tanong amp
Di pa kami nagkakabalikan wag kang excited
Sent 6:55 pm

Soonyoung: Hindi PA? So may balak?
Sent 6:56 pm

Parang ganon na nga
Sent 6:57 pm

Soonyoung: Tangina pre after 2 years magkikita na kayo ulit.
Soonyoung: Akala ko may bago ka na
Sent 6:58 pm

Wala namang bago, sya lang. Sya pa din
Sent 6:59 pm

Soonyoung: Sanaol men
Soonyoung: Pero teka, paano nga kayo nag usap ulit?
Sent 7:00 pm

Hiningi ko number nya kay Seok.
Two days palang kaming nag uusap
Sent 7:01 pm

Soonyoung: Two days palang kayong nag-uusap pero may pag kita na? Iba ka talaga boss.
Sent 7:03 pm

Walang katumbas yung two days sa two years pre.
Sent 7:04 pm

Soonyoung: Ano bang balak mo makikipagkita ka kay Mingyu?
Soonyoung: Alam kong miss mo na yung tao pero bukod don ano pa?
Sent 7:05 pm

I'll ask him why he left.
Sent 7:06 pm

Soonyoung: Akala ko tatanungin mo kung gusto nya magbalikan kayo hahaha
Sent 7:07 pm

Di pa naman ako sobrang nagmamadali pre. I still want his explaination kung bakit nya ako iniwan
Sent 7:08 pm

Soonyoung: Handa ka naman ba sa kung anong magiging sagot ni Mingyu?
Sent 7:09 pm

Kinakabahan ako sa totoo lang.
Natatakot ako
Sent 7:10 pm

Soonyoung: Alam mo Won sa totoo lang di ko alam kung tama ba o mali yang ginagawa mo eh.
Soonyoung: Tama naman yung part na kailangan mong malaman yung dahilan ni Mingyu pero, paano kung masaktan ka ulit?
Soonyoung: Bilang bestfriend mo ayokong makita na nasasaktan ka ulit, ayoko ng bumalik yung Wonwoo na buhay nga pero patay naman sa loob. 
Sent 7:12 pm

Kaya ko din 'to ginawa para masagot yung mga tanong sa isip ko.
Kung masaktan, edi masaktan
Sent 7:13 pm

Soonyoung: Basta pre handa na ang atay namin. Dito lang kami para sayo ha.
Sent 7:15 pm

Salamat bestfriend
Sent 7:16 pm

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon