Chapter 104

70 0 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas mula ng isugod si Mingyu dito sa ospital. Isang linggo na din syang naka admit dito. Pagkatapos kasing maisugod sa ER si Mingyu ay napagpasyahan ng doctor na wag na munang ilabas si Mingyu dahil imomonitor pa din nila ang kalagayan nito.

Sa loob ng isang linggo na yon ay halos hindi na umalis si Wonwoo sa tabi ni Mingyu. Kung pwede nga lang na hindi na sya pumasok ay ginawa nya na. Kaya pagkatapos ng klase nya ay diretso na agad si Wonwoo dito. Hindi na tuloy sya nakakaattend ng training nila. Mabuti nalang at kaibigan nya ng captain nila kaya nagawan ng dahilan sa coach nila para ieexcuse si Wonwoo.

Kaya sa araw na ito, kakadating palang ni Wonwoo sa ospital. Umuwi lang sya ng unit nya para magpalit ng damit at kumukha ng ilang gamit. Dito na din sa ospital ginagawa ni Wonwoo ang ibang assignments nya.

Kumatok muna ng dalawang beses si Wonwoo bago ito tuluyang pumasok sa kwarto ni Mingyu. Pagkapasok nito ay doon nya nakita ang tatlong tao na nasa loob, isa na doon si Yugyeom na nakaupo sa may sofa.

"G-Good afternoon po?" hindi siguradong pagbati ni Wonwoo. Binati naman sya agad pabalik ni Yugyeom.

"Una na ako" sabi ng lalaki na sa pagkakaalam ni Wonwoo ay papa ni Mingyu.

"Sabay na ko tito" sabi ni Yugyeom at tumayo na sa pagkakaupo nya.

Bago tuluyang makalabas ang dalawa ay tinanguan muna ni Yugyeom si Wonwoo tapos mahina nanang tinapik ng papa ni Mingyu ang balikat nito.

"Wonwoo, tama ba?" napalingon agad si Wonwoo sa mama ni Mingyu ng tawagin sya nito.

"Opo ma'am" sagot nito. Ngayon nalang nya ulit nakita ang magulang ni Mingyu. Huling kita nya dito ay dalawang taon na din nakakalipas.

"Tita nalang" sabi nito. "Upo ka" dagdag pa nito. Agad namang sumunod si Wonwoo at umupo sa may sofa kung saan nakaupo si Yugyeom kanina.

"Kakatulog lang ni Mingyu" panimula ng mama nito. "Kamusta ka na? Ang tagal na nung huli kitang nakita" sabi nito.

"Ayos lang po ako, tita. Kayo po?" sagot nito.

"Ayos lang din naman kami" sabi ng mama ni Mingyu. "Salamat Wonwoo ha" biglang sabi nito.

"Para saan po?" naguguluhang tamong nito.

"Sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa anak ko. Salamat kasi hindi mo sya iniwan" sabi nito. "Alam mo bang hindi na dapat babalik si Mingyu dito?" sabi ng mama ni Mingyu, hindi sumagot si Wonwoo at nanatili lang itong tahimik na para bang inaantay ang sasabihin ng mama ni Mingyu.

"We decided na sa America na ipagamot si Mingyu. He's already listed sa mga pasyente doon na madodonate-tan ng panibagong puso. All the medications went well, nakapag-aral pa nga ulit si Mingyu doon." panimula nito. "Kaso isang araw, bigla nya nalang sinabi saakin na gusto nya na daw umuwi ng Pinas. Hindi ako agad pumayag kasi hindi pa tapos yung medications nya at yung transplant. Kaso he's to persistent. Dito nalang nya daw ipagpapatuloy sa Pinas yung pagpapagaling nya"

"At kung sakali man daw na hindi na sya gumaling, hayaan ko daw syang makita ka nya bago sya tuluyang mawala"

"My son loves you so much, Wonwoo. At alam kong mahal mo din ang anak ko. Masaya ako para sainyo. Mingyu may have a weak heart, but I know it is filled with your love and his love for you" sabi ng mama ni Mingyu at nginitian si Wonwoo.

Mahal na mahal din kita, Mingyu. Nandito lang ako, hinding-hindi kita iiwan. You'll live a normal life again. With your family, friends, with me. Kaya natin 'to diba?

—————

"You're awake, sleeping beauty" bati ni Wonwoo sa bagong gising na si Mingyu. "Pinainit ko yung inabot na pagkain kanina" dagdag pa nito.

"Anong oras na?" tanong ni Mingyu.

"8:30 pm na." sagot ni Wonwoo habang inaayos yung kakainin ni Mingyu.

"Kanina ka pa nandito?" tanong ni Mingyu.

"Kanina pa. Nagkwentuhan pa nga kami ni tita eh." sagot nito at inabot nya ang pagkain ni Mingyu.

"Talaga? Anong napag-usapan nyo ni mama?" tanong ni Mingyu.

"Secret" pang aasar dito ni Wonwoo.

"Ang daya" sabi ni Mingyu at sumimangot pa.

Natawa naman si Wonwoo sa naging reaksyon ni Mingyu. "Sabi ni tita magpagaling ka na daw kasi ikakasal pa tayo" sabi ni Wonwoo.

"Di pa nga tayo nakakagraduate, kasal na agad?" pag angal ni Mingyu.

"Wag ka ng umanggal kasi pati kay Lord sinabi ko na yan" sabi ni Wonwoo.

"Ang alin?" tanong ni Mingyu.

"Na ikaw yung taong gusto kong pakasalan. Sabay nating aalagaan yung magiging anak natin. Ikaw yung taong gusto kong makasama hanggang sa pagtanda" sabi ni Wonwoo habang nakangiti kay Mingyu. "Please promise me that you'll stay with me" dagdag pa nito.

"I promise"

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon