Chapter 16

161 6 0
                                    

Kanina pa tulala at malalim ang iniisip ni Wonwoo dito sa loob ng kwarto nya. Hindi nya kasi alam kung anong magiging reaksyon nya sa sinabi ng mga kaibigan nya.

Bumalik na kasi yung taong minahal nya dalawang taon na ang nakakalipas.

Yung taong sobra nyang minahal pero iniwan lang sya ng walang pasabi.

Mistulang bumalik din yung sakit na nararamdaman nya mula nung araw na iniwan sya nito. Nuong araw na iniwan siya ni Mingyu.

Yung mga panahong lugmok na lugmok sya sa sakit na nararamdaman. Halos hindi makausap ng ayos, palaging nagkukulong sa kwarto, halos hindi na kumain at puro inom lang ng alak. Halos mag iisang taong ganyan ang lagay ni Wonwoo. Natatakot at alalang alala na nga sakanya ang mga kaibigan nya. Kaya laking pasasalamat nila ng nagbago na ito.

Nagbago nga ba?

May nabago nga ba sa nararamdaman nya?

Tanong na palagi nyang tinatanong sa sarili ngunit walang kasagutan.

Tumayo ito sa pagkakaupo nya sa kama. Binuksan nya ang drawer na katabi ng kama nito at kinuha ang kaha ng yosi. Matagal na syang tumigil dito at pangako nya sa mga kaibigan nya na hindi na sya uulit. Pero ito lang kasi ang alam nyang pang pakalma.

Pumunta ito sa balkonahe ng kanyang kwarto at tahimik na hinihithit ang kanyang yosi habang tumatakbo sa kanyang isipan ang.....

"Bakit ka pa bumalik?"

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon