Chapter 66

124 4 0
                                    

Halos tumigil na ng mundo ni Wonwoo ng tumunog ang wind chime hudyat na may bagong pumasok. Dahan-dahang nilingon ni Wonwop ang bagong pumasok. At doon, nakita nya ang taong pinakamamahal nya. Si Mingyu na patingin tingin sa paligid at hinahanap si Nonu at hindi nya pa napansin si Wonwoo .

Nawala kay Mingyu ang atensyon nya ng biglang nagvibrate ang cellphone nya. Nagtext si Mingyu, sinabi nito na nandito na sya sa sa loob ng Bok Chicken.

Pagkabasa ni Wonwoo ng message ay huminga ito ng malalim bago tumayo sa pagkaka upo. Kaya mo yan Wonwoo. Nung malapit na ang distansya ay muli himinga ito ng malalim. Hindi pa din sya nakikita ni Mingyu dahil nakatuon ang pansin nya sa cellphone nito.

"Mingoo" pagtawag ni Wonwoo dito.

"Uy Non----Wonwoo??" Gulat na tanong ni Mingyu ng makita nya ang tumawag na Mingoo sakanya. Miski ang ekspresyon ng mukha nya ay gulat at naguguluhan. Marahil ay hindi nya inaakala na ang taong kikitain nya ngayon ay sya din palang si Wonwoo.


Ngumiti si Wonwoo dito. "Ako 'to si Nonu. Sorry hindi ako nagpakilala bilang si Wonwoo" sabi ni Wonwoo dito.


"Ha? Teka? Paano?" Naguguluhang tanong pa din ni Mingyu.


"I'll explain to you later. Umupo muna tayo at kumain. Tara?" Pag aanyaya ni Wonwoo kay Mingyu.



Nag aalangan man ay tumango si Mingyu at sumunod kay Wonwoo. Gutom na kasi si Mingyu at sayang naman ang bayad nya sa grab kung aatras din naman pala sya.



"Anong order mo?" Tanong ni Wonwoo dito ng makaupo sila. "Yung dati pa din ba?" Pahabol nito. Na pareho silang nagulat dahil hindi inaasahan ni Wonwoo na masasabi nya bigla yon. Nagulat naman si Mingyu dahil kahit dalawang taon na ang nakakalipas, alam pa din ni Wonwoo ang paborito nitong inoorder.




"Ha? A-Ano, oo sige" nauutal na sagot ni Mingyu dito. Tumango naman si Wonwoo at iniwan saglit ang binata para umorder ng pagkain.

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon