Chapter 105

84 1 0
                                    

"H-Hi?" bati ni Mingyu sa kakapasok palang na si Wonwoo. Kagaya ng palaging nakagawian, dito agad didiretso si Wonwoo pagkatapos ng klase nila.

"Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Wonwoo ng mapansin nitong mas naging maputla si Mingyu.

"Ayos lang..." mahinang sagot nito.

Pero ang totoo ay nahihirapan na si Mingyu. Kung dati ay nakakaya nya pang tiisin yung hindi normal na tibok ng puso nya at yung madalas na pagkahirap sa paghinga. Ngayon ay pakiramdam ni Mingyu lalo lang itong lumala. Magdadalawang linggo na sya dito pero parang wala pa ding nangyayari. Wala pa ding nakakaalam kung kailan sya magkakaroon ng heart donor, ayan nalang kasi ang nakikitang paraan para gumaling sya.

"Gusto sanang sumama ni Soonyoung tsaka Seokmin para bisitahin ka, kaso hindi ko na sinama." sabi ni Wonwoo at umupo sa sofa.

"Ba-Bakit naman?" tanong ni Mingyu.

"Masyadong magulo yung dalawang yon, hindi maganda para sayo" sabi ni Wonwoo. May nakita itong mga strawberries kaya lumapit sya dito para hugasan ito.

"Won..." tawag ni Mingyu.

"Hmm?" tugon ni Wonwoo habang nilalagay sa lalagyan yung mga strawberries.


"Punta...punta tayong r-rooftop" biglang sabi ni Mingyu.

agad na tinignan ni Wonwoo si Mingyu "Huh?" nagtatakang tanong nito.

"G-Gusto kong makita yung...yung sunset" nahihirapang sabi ni Mingyu.

"Bakit?" nagtataka pa ding tanong ni Wonwoo.

"Please..." pagpilit ni Mingyu.

"Gyu, hindi ka pwedeng mapagod. Dito nalang tayo sa kwarto. Kita naman dito sa bintana yung sunset" sagot ni Wonwoo.

Marahan namang tumango si Mingyu. Gustuhin mang sundin ni Wonwoo ang sinabi ni Mingyu, pero alam nyang hindi ito makakabuti. Tapos ng hiwain ni Wonwoo sa maliliit na piraso yung strawberries. Iniwan nya muna ito saglit tapos lumapit sa may malaking bintana at hinawi yung kurtina. Kitang-kita dito ang mga naglalakihang buildings, mga kotse sa baba at ang papalubog na araw. Tinulak naman papalapit ni Wonwoo yung maliit na sofa sa may bintana.

"Ayan. Pwede na ba yan, Gyu?" tanong ni Wonwoo. Tumango naman si Mingyu bilang sagot. Agad na lumapit dito si Wonwoo at maingat syang inalalayan patayo, maging sa paglalakad palapit sa upuan.

"Ayos ka lang?" tanong ni Wonwoo ng mapansin nyang nakahawak si Mingyu sa may dibdib nya. "Ibalik na kaya kita?" nag-aalalang tanong nito.

Marahan namang umiling si Mingyu. "A-Ayos lang ako" sagot nito.

"Won...may letter...may letter sa ilalim ng unan ko. Kunin mo mamaya. Basahin mo pag-uwi mo" sabi ni Mingyu ng makaupo ito ng ayos. Naguguluhan man ay tumanggo nalang si Wonwoo.

"Ang ganda..." sabi ni Mingyu habang pinagmamasdan yung labas ng bintana.

"Maganda nga" sabi ni Wonwoo habang nakatingin kay Mingyu.

"Bakit mo pala gusto makita yung sunset?" tanong ni Wonwoo dito.

"Sunsets means a beautiful ending" sagot ni Mingyu. Naguguluhan man ay hindi nalang muna nagsalita si Wonwoo.

"Won...naaalala mo pa ba yung unang araw na..nakita mo ako?" biglang tanong ni Mingyu.

"Oo naman" sagot agad ni Wonwoo. "Palakad-lakad ka sa football field non, akala mo nasa luneta park ka." dagdag pa nito.

"Masakit kaya. Ang lakas ng pagkakasipa mo sa bola" sabi ni Mingyu. "Hindi ka pa nagsorry" dagdag pa nito.

"Ma-pride ako dati eh. Hindi ko naman kasalanan na palakad-lakad ka don" natatawang sabi ni Wonwoo.

"Pero...naging crush mo ako" biglang sabi ni Mingyu.

"Huh? luh saan mo napulot yan?" pagtatanggi ni Wonwoo.

"N-Ngayon ka pa ba magsisinungaling Jeon Wonwoo?" pang aasar ni Mingyu.

"Cinrush back mo naman ako" confident na sabi ni Wonwoo.

"Kawawa ka naman eh" natatawang sabi ni Mingyu.

"Hindi ko alam na...na magpapasalamat pa pala ako dahil natamaan mo ako ng bola dati" sabi Mingyu.

"Sino mag aakala na dahil sa aksidente na yon makikilala kita. Makikilala ko yung taong mamahalin ko ng sobra sobra, yung taong gusto ko makasama hanggang nabubuhay ako, yung taong nagparamdam saakin na kamahal mahal ako, yung taong nagpapasaya saakin na tipong nakakalimutan ko lahat ng problema at yung sakit ko"

"Thank you Won. Alam ko ilang beses na akong nagpapasalamat sayo pero hindi ako magsasawang sabihin sayo yon. Salamat kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo ako, ako yung minahal mo. Salamat kasi nandyan ka. Kahit iniwan kita dati, pinili mo pa din akong mahalin ulit. Thank you for giving me memories that i won't ever forget. Thank you for making my life memorable."

"I love you so much, Jeon Wonwoo"

"I love you so much too, Mingyu" sagot ni Wonwoo at niyakap si Mingyu.

"Love, I'm sorry" biglang sabi ni Mingyu. "I'm sorry I can't stay with you" sabi ni Mingyu, kaya napahigpit sa pagyakap si Wonwoo.

"As much as I wanted to be with you, to make our dreams come true. But I guess life has other plans for us"

"Won, Ikaw yung taong gusto kong makasama habang buhay, pero hindi ko na ata matutupad yon. Hindi na ata kita masasamahan hanggang sa pagtanda"

"Won..." tawag ni Mingyu ngunit hindi makasagot si Wonwoo. Nanatili itong tahimik habang mahigpit na niyayakap si Mingyu kasabay ng pagtulo ng mga luha nya. Hindi pa sya handa dito at kahit kailan hindi nya gugustuhin mangyari.

"Won, pwede na ba akong magpahinga?"

Ito ang kinatatakutan ni Wonwoo. Yung dumating ang araw na 'to. Hindi sya handa para dito dahil naniniwala sya na may pag asa pa para gumaling si Mingyu. Pero paano mangyayari yon kung si Mingyu na mismo ang sumuko?

"Gyu..." pagtawag ni Wonwoo dito.

"Hmm?" mahinang tanong ni Mingyu.

"Mahal na mahal kita"

"Mahal...na mahal..din...kita" nahihirapang sagot ni Mingyu. Tila ba nauubusan na sya ng hininga.

Hindi gusto ni Wonwoo pero wala na syang ibang pagpipilian pa. Ito ang plano ng tadhana para sakanilang dalawa.

"Y-You can...rest" sagot ni Wonwoo.

"Rest well, my love"

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang tuluyang pagpikit ng mata ni Mingyu.





12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon