Chapter 25

145 5 0
                                    


Seventeen pero 12 lang kami
(GC)

Jun: Mga pre
Jun: Bakit ang tahimik nyo?
Jun: Anong meron?
Sent 12:20 pm

Chan: Di ko nga din alam hyung
Sent 12:21 pm

Jisoo: Prayer meeting ba 'to?
Sent 12:23 pm

Vernon: Tsk. Ang hina nyo naman mga hyung.
Vernon: Tignan nyo si Wonwoo hyung, wala sa mood. Parang ibang Wonwoo kasama natin.
Sent 12:26 pm

Minghao: hA?
Sent 12:27 pm

Soonyoung: Hangover pa din ba 'to? Balik kaya natin sa clinic?
Sent 12:30 pm

Jihoon: Bakit di nalang kayo magsikain?
Sent 12:31 pm

Jeonghan: Ako na kakausap
Sent 12:33 pm

"Wonwoo"

Kagaya ng chat ni Jeonghan sa gc nilang magkakaibigan ay tinawag nito si Wonwoo. Nadala na kasi si Jeonghan sa ganitong bagay na nangyayare kay Wonwoo. At bilang kaibigan ni Wonwoo at nakakatanda dito, ayaw nito na nagkakaganito ang binata. Ayaw nya ng bumalik yung dating Wonwoo na halos hindi na nila makilala.

Blanko lang itong tinignan ni Wonwoo. "Bakit?" tanong nito.

"Kung may problema ka pwede mo namang ikwento samin. Kaibigan mo pa din kami kahit may sapak sa ulo yung iba." sambit ni Jeonghan.

"Sino kaya yung may sapak dito?" biglang tanong ni Seokmin kaya nakatanggap sya ng batok sa katabing si Jeonghan.

"Kaya nga hyung, kung broken hearted ka pwede mo namang ikwento saamin" dagdag pa ni Vernon.

"Bakit ba pinipilit mong broken hearted si Wonwoo, hyung?" pagtanong dito ni Seungkwan.

"Feeling ko lang, Boo. Bakit ba" sagot naman ni Vernon dito.

"Ano bang nangyayare?" walang kaalam alam na tanong ng Kapitan nila.

"Di ko din alam eh, busy ako kumain" sagot ni Jun na bukod tanging madaming kinakain sa kanilang lahat.

"Nakita ko sya" biglang sambit ng nakatungong si Wonwoo.

"Sino?" nag aalalang tanong ni Jeonghan.

"Mingyu..." halos pabulong na sabi ni Wonwoo.

"HA?!!!!" gulat na reaksyon ng mga kaibigan nila. Nabuga pa nga ni Soonyoung ng iniinom nitong tubig sa katapat na si Jihoon kaya pinagpapalo ni Jihoon ang kawawang si Soonyoung.

"Anong nangyare? Bakit ganyan nangyayari sayo ngayon?" nag aalalang tanong din ni Jisoo.

Muli nanamang nakaramdam ng sakit si Wonwoo nang maalala nya ang nangyare sa clinic kanina.

"Kanina, palabas na ko ng clinic ng biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Mingyu." panimula nito.

"Tapos tapos tapos?" excited na tanong ni Seokmin, hindi nya alam na masakit ang kwento ni Wonwoo.

Nagsisiksikan na din pala silang magkakaibigan para marinig nila ng ayos ang kwento ni Wonwoo. Miski ang walang pake na si Jihoon ay nakisiksik na din para makinig.


"Then...he ignored me. Dinaanan nya lang ako na parang hindi nya ako kilala." sabi ni Wonwoo at bahagya pang natawa sa sarili. "Ganon na ba talaga ako kadaling kalimutan?" mahinang banggit ni Wonwoo pero sapat na para marinig ng mga kaibigan nya.

"Inuman sa unit ko mamaya" biglang sabi ni Seungcheol na nakatanggap ng batok kay Jeonghan.

"Sabi ko sayo Boo bh yan si hyung eh" bulong ni Vernon kay Seungkwan.

"Manahimik muna kayo dyan mga kids" pag saway ni Jeonghan. "Alam mo Won, hindi na kita papayuhan na mag move on kasi alam ko namang hindi mo kaya, tignan mo dalawang taon na ang nakakalipas pero wala pa ding pinagbago sayo. Paano ka naman kasi makakamove on kung hindi mo alam yung dahilan kung bakit ka iniwan? Alam kong palaging natakbo sa isip mo yon kaya hindi ka makamove on at makalimot. Kaya baka ang sagot para maka move on ka ay kausapin mo sya ulit" sabi ni Jeonghan.

"Seryoso ka hyung?" nagtatakang tanong ni Soonyoung.

Tumango naman si Jeonghan. "Deserve pa din naman ng kaibigan nating di makamove on ang explanation mula kay Mingyu. Pero nakay Wonwoo na yon kung gagawin nya o hindi." sagot ni Jeonghan.


"Talino mo talaga hyung sa ganyan. Pero bakit wala kang jowa?" seryosong tanong ni Seokmin.

"Paano, ang bagal kasi kumilos ng isa dyan" gatong pa ni Seungkwan.

"Clue: Sa S nagsisimula yung pangalan nag tatapos sa EUNGCHEOL" dagdag pa ni Jun.

"Ano ba guys, friends lang nga sila" natatawang kantyaw ni Chan.

Sinamaan naman sya ng tingin ni Seungcheol. "Pinagsasabi nyo?" tanong nito kaya nagtawanan  yung mga kaibigan nya.


Samantalang si Wonwoo nanatiling tahimik at nakayuko. Pinag iisipan nya kasi yung sinabi ni Jeonghan. Tumatakbo kasi sa isip nya kung kaya nyang kausapin si Mingyu ulit. Kung kaya nya bang tanggapin yung magiging explanation nito kung bakit nya iniwan si Wonwoo dalawang taon na ang nakakalipas. Aaminin nyang pinangungunahan sya ng takot. Takot na baka imbis na matanggap ang lahat ay lalo lang itong masaktan. At ang takot na baka imbis tanggapin ang paghihiwalay nila ay baka tanungin nito ulit si Mingyu kung pwede pa, pwede pang bumalik ang dating sila.

12:12 || MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon