THREE

1.7K 106 110
                                    

"Umupo ka, Florence." Itinuro niya ang upuan sa tapat niya. Sinunod ko siya kahit kinakabahan ako.

"Are you scared of me?" tanong niya. Nahalata niya na yata na kabado ako.

Hindi ako nakasagot.

"Tinatanong kita." Medyo lumakas ang boses niya kaya mabilis akong napa-sagot ng "hindi po".

Umiling ako. "Kinakabahan lang po siguro ako."

"Bakit?" Parang natawa pa siya sa pag-amin ko.

"F-first time ko po," nabubulol pang tugon ko.

Ngumisi siya nang makahulugan. "Sabagay, nakaka-kaba nga 'pag first time."

"First time ko po sa ganitong klaseng trabaho," dugtong ko habang nagtataka kung bakit ganoon ang ngiti niya sa mga salitang "first time".

"Ilang taon ka na ba?" tanong niya. "Well, if you don't mind."

"Twenty-six po," sagot ko habang napapa-isip kung bakit kailangan pa niyang itanong.

"Talaga? Hindi ka mukhang twenty-six," sabi naman niya. "I thought you were younger."

Magpapasalamat sana ako dahil compliment naman iyon na maituturing, pero naunahan niya akong magsalita.

"May boyfriend ka?" tanong niya.

"Po?" Nagkamali yata ako ng dinig.

"Boyfriend," ulit niya.

"B-bakit niyo po gustong malaman?" Nagtaka ako kaya ako naman ang nagtanong.

Natawa siya. "Baka kasi may mga pagkakataon na kailangan nating mag-overtime. So, kung may susundong boyfriend sa 'yo, kailangan niyang maghintay. Ngayon pa lang sabihan mo na siya."

Ah, okay. Akala ko gusto niyang malaman kung single ba ako.

Ano namang paki niya kung single ka o hindi? Assumera! sabi ng isang bahagi ng isip ko.

"Wala po akong boyfriend." Inamin ko na, at mas lalo siyang natawa. Hindi ko alam kung bakit.

"'Yon naman pala." Ngumiti siya. "Gusto kong malaman kung bakit ka lumipat dito. Sabi mo kanina ay galing ka sa Accounting."

"Ahh...eh, 'yong totoo po, Sir, una pong dahilan talaga ay salary." Naisip ko na kailangang maging honest.

"Okay lang 'yan." Aniya nang siguro ay mapaghalataan niyang nahihiya akong aminin ang totoo. "May pinag-aaral ka bang kapatid?"

"Wala naman po. Solong anak lang po ako," wika ko. "Pero may hinuhulugan po akong bahay na ni-loan ko po sa Pag-IBIG."

"I see." Tumango-tango siya. "Anyway, in the next days we'll get to know each other better. You see, we're both new here, so I expect you to go out of your way to familiarize yourself with the work-around, since I'll be relying on you most of the time."

"I understand, Sir," determinado kong sagot. Iyon naman talaga ang balak kong gawin.

"Second, I expect you to come earlier than I do." Tumitig siya sa akin. "Ikaw ang una kong gustong makita sa pagsisimula ng araw ko."

Natigilan ako.

Umiwas ako ng tingin, para kasing hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Alam kong wala namang ibang ibig sabihin iyong huling pangungusap niya. Natural naman iyon dahil baka may kailanganin siya sa akin, tapos wala pa ako sa opisina. Pero sa hindi ko malamang dahilan, biglang sumikdo ang dibdib ko dahil doon.

"Okay po," sagot ko na lang.

"I hope we'll have a smooth working relationship, Florence," pahayag niya. "At sa pangalan na lang kita tatawagin, ha. Masyadong pormal ang Ms. Catacutan. Isa pa, hindi bagay sa 'yo ang apelyido mo."

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon