TWENTY-SEVEN

865 48 134
                                    

Nakatulog at nagising na lang ako ay nasa biyahe pa rin kami ni Maui. Kinusot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang kanyang mukha, habang siya ay seryosong nakatutok sa daan.

Napaka-kinis, tinalo pa ako, seryoso. Ni hindi makita ang pores at walang bakas na tinubuan ng taghiyawat o anuman sa mukha. Dahil naka-side view siya mula sa puwesto ko, kitang-kita ko ang perpektong hugis ng kanyang matangos na ilong.

"They say it's rude to stare. But if it's you, then go ahead and stare at me all day."

Nagulat pa ako nang magsalita siya. Alam pala niyang pinagmamasdan ko siya.

"Huli pero 'di kulong," biro ko na lang.

Natawa siya. "I always hear that from the younger ones in the office."

"Maka-younger ones parang ang tanda na nito." Natawa rin tuloy ako.

Ngunit sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. "But I hope you could still laugh if I tell you that we're lost."

"Lost?" Napatuwid ako ng upo.

"Yup. Were supposed to be Urdaneta now but GPS here says Malasiqui. This place is not supposed to be part of the route," mahinahong paliwanag niya.

"Patay." Tumanaw ako sa labas. Sa magkabilang panig ng kalsadang binabagtas namin ay walang makikita kundi nagtataasang mga puno ng narra, mangga, at iba pa, at kung may bahay man ay mangilan-ngilang kubo lang na malayo pa ang pagitan sa isa't isa.

"Sorry, I really don't know what happened though," paghingi niya ng paumanhin. "We'll make it there, don't worry, maybe we'll just be a little delayed from our supposed to be arrival."

"Okay lang, kung bukas pa tayo makakarating sa Ilocos, sa isang araw pa naman ang kasal." Pinasigla ko ang boses ko, napuna ko kasi ang pagiging dismayado ni Maui.

"But you won't get enough time to rest if that happens," nag-aalalang aniya.

"'Wag mo 'ko alalahanin, nakaupo nga lang ako dito sa tabi mo buong araw." Ngumiti ako para paglubagin ang loob niya. "Ikaw nga ang inaalala ko. Baka kasi pagod ka na sa maghapong pagda-drive. Sana pala isinama natin si Kuya Steve para kahit paano ay puwede kayong magpalitan sa manibela."

Si Kuya Steve ay ang driver ni Maui.

"'Wag mo rin akong alalahanin, I'm okay. It's just that, I would need to ask your permission." Lumingon siya sa akin saglit bago muling tumutok sa daan.

"Permission sa...?" Kumunot ang noo ko.

"We might have to stay somewhere for the night." Mahina lang ang pagkakasabi niya ng mga kataga pero narinig ko naman iyon nang malinaw.

Tumango ako at tumanaw sa dinaraanan namin. "Saan kaya tayo puwedeng makipanuluyan sa lugar na 'to?"

"I can make it in La Union as night comes," sabi niya. "Maybe there."

"Sa San Juan! Maraming resorts do'n. Puwede tayo do'n," suhestiyon ko.

"You've been there?" tanong niya.

"Oo, medyo matagal na, pero alam ko pa naman 'yong lugar." Memorable sa akin ang naging travel ko sa La Union dahil isa iyon sa mga lakad na kumpleto kaming magkakabarkada.

Nagkuwento na lang ako kay Maui kung saan-saang lugar kami nagtungo noong stay namin sa La Union. Hanggang sa kung ano-ano na rin ang napag-usapan namin habang binabagtas ang daan patungo doon.

***

Sa isang resort sa San Juan, La Union kami napadpad ni Maui ng mga alas-siyete ng gabi. Balak ko sanang i-suggest sa kanya na kahit doon na lamang sa medyo murang accommodation na kami tumuloy dahil magpapalipas lang naman kami ng magdamag, tapos ay dalawang magkahiwalay na kuwarto pa ang kukunin namin. Pero high-end na resort pa rin ang pinili niya. Oo, alam ko naman na may pera siya, pero ewan ko ba, nasasayangan ako kapag ganoon. Siguro nga ay dahil laki ako sa hirap.

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon