SIXTEEN

1K 59 105
                                    

Nagtungo ako sa penthouse ni Sir Frank ng Sabado ng umaga. Nagdala ako ng matcha cookies na ako mismo ang nag-bake. Natatandaan ko kasi na nagustuhan niya iyong dinala ko sa opisina noon.

Pagdating ko sa reception area ay tinanong ako ng receptionist, as expected. Akala ko ay tatawagan pa niya si Sir Frank para ipaalam na naroon ako. Pero hindi. Sinabihan akong tumuloy na. Walang alam si Sir sa pagpunta ko ngayon. Bahala na kung magalit siya.

Noong nasa tapat na ako ng pinto ay humugot muna ako nang malalim na paghinga bago pindutin iyong buton na nasa ibaba ng naka-install na screen sa pinto. Ilang saglit pa ay lumitaw ang mukha ni Sir Frank doon. Halatang nagulat siya nang makita ako.

"Come in, please. Nandito lang ako sa kitchen. From the living room, to the right side naman." Walang pag-aalinlangang ibinigay niya sa akin ang direksiyon kahit hindi expected ang pagpunta ko.

"Ok po, Sir." Bahagya akong tumango. Kapagkuwan ay binuksan ko na ang pinto. Tulad ng dati ay hindi naka-lock iyon.

Sinundan ko ang direksyon na sinasabi niya, at natagpuan ko siya na nakaupo sa dining chair sa tabi ng mesa, pero nakatagilid iyon at hindi nakaharap sa lamesa mismo.

Naka-shirt lang siyang puti at pajamas na plaid black and white. May binabasa siyang libro na inilapag niya muna sa lamesa sa tabi niya nang makita niya ako.

"What brought you here?" pambungad na tanong niya. Nakangiti pero may pagtataka sa mga mata.

"Kasi, Sir..." Bigla akong nakaramdam ng hiya ngayong nasa harapan na niya ako. "Eh...kasi po last time, hindi ko po kayo napaunlakan no'ng nagyaya po kayo mag-dinner, 'di ba? Kaya...kaya po, tara, mag-lunch po tayo ngayon."

Tila kumislap ang mga mata niya. "Talaga? So you're making it up to me?"

"P-parang gano'n na nga po." Totoo. Gusto kong makabawi. Ilang araw ko ring pinag-isipan iyon mula noong pumunta ako dito sa unit niya at magpa-pirma ng mga dokumento.

Kapag naiisip ko kasi iyong disappointed niyang mukha noong hindi ko tinanggap ang imbitasyon niyang dito na maghapunan at samahan siya, parang nako-konsensiya ako. Buti sana kung wala siyang iniindang pilay o anuman.

"Sure. I'm gonna call up and order," aniya.

Umiling ako. "Ako po ang magluluto. Kung okay lang po sa inyo."

Gulat na tumingin siya sa akin. "Really?"

"Opo. 'Di po 'ko magaling na magaling sa kusina, Sir, pero nakakain naman po," sabi ko na ikinangiti niya.

"May disclaimer agad, eh." Napa-iling siya. "But I doubt it, magaling kang mag-bake, eh. So, you probably cook well too."

Humalukipkip siya. "Hindi kita tatanggihan, Florence. Do whatever you want. The kitchen is all yours."

"Sir, may dala rin po pala ako." Inilapag ko sa lamesa ang dala kong paper bag na naglalaman ng isang box ng matcha cookies.

Sinilip niya ang laman ng bag at kinuha ang box mula sa loob. "Ito ulit! Matitikman ko na naman ang cookie mo."

"Po?" Parang iba ang dinig ko.

"Ang sabi ko, masarap ang cookie mo. Ito." Itinaas niya pa ang hawak na box na tila ipinapakita niya sa akin kung ano talagang tinutukoy niya. "This has became a favorite of mine. So, thank you at binigyan mo 'ko ulit."

Napangiti na lang ako. Mukha kasing masayang-masaya siya. Parang batang pinasalubungan.

May itinuro siyang steel drawer sa hindi kalayuan. "Aprons and other linens are there."

"Okay po." Tinungo ko iyon at paghila ko ng drawer ay nakita ko naman ang mga apron na maayos na nakatiklop doon. Pumili ako ng isa, kulay itim. Itinali ko iyon sa likod at batok ko. Inayos ko rin ang pagkaka-ponytail ng buhok ko.

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon