TWENTY-FIVE

912 47 139
                                    

"Sweetheart..."

Nagising ako sa bahagyang pagyugyog at pagtawag ni Maui sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin. Nandito ako sa kotse ni Maui.

"You're having a nightmare, I think," aniya.

Panaginip nga lang. Nakahinga ako nang maluwag. "P-pasensiya ka na. Sa pagod ko siguro dahil nag-overtime kami."

"It's okay. Kaso mag-o-overtime ulit kayo bukas, 'di ba?" Inipit niya sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng mga buhok, na tumabon sa mukha ko dahil sa pagtulong ko habang nagbi-biyahe. "Might as well take a rest on the weekend. Bumawi ka ng pahinga."

Tumango ako at ngumiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Maui. Ang mukha ng lalaking nagmamahal at nagsasakripisyo para sa akin. Tulad ngayon na pasado alas-diyes na ng gabi ako nag-out kasama ng mga kasamahan ko sa OVPEA, pero matiyaga niya akong hinintay para lang maihatid sa bahay.

"Why?" nakangiting tanong niya. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako nakatingin lang sa kanya.

Walang ano-ano ay nayakap ko siya. Hindi na rin ako nakapag-isip, basta bigla ko na lang gustong gawin iyon.

"You seem to have a scary dream." Banayad niyang hinaplos ang likod ko.

Scary nga talaga. Naghalikan ba naman kami ni Sir Frank sa panaginip ko! Diyos ko po! Kung may dapat man akong mapanaginipan sa ganoong eksena, si Maui iyon na boyfriend ko at hindi ibang lalaki.

Isinubsob ko ang aking mukha sa balikat ni Maui. May guilty feeling ako kasi pakiramdam ko kaya ako naka-panaginip ng ganoon ay dahil unti-unti nang umiigting ang kung anumang nararamdaman ko kay Sir Frank. Mas madalas nang dumadalaw iyon sa puso ko. Kung kailan ba naman hindi na siya nanliligaw at may Maui na rin ako. Napaka-labo.

"Care to tell me about it?" tanong ni Maui habang magkayakap pa rin kami.

"N-nakalimutan ko na pagmulat ng mata ko," iyon na lang ang isinagot ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nagiging tapat kay Maui kahit ba naman ang lahat ng ito ay nasa isip ko lang. Kahit walang pisikal na pagtataksil akong ginagawa.

"Whatever it is, it's just a dream, Sweetie," masuyo niyang banggit habang hinahaplos pa rin ang likod ko. "And I'm just here, alright?"

"Salamat." Kumalas ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. "At happy 1st monthsary!"

"1st...what?" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, bagamat may amusement sa kanyang mukha.

"1st monthsary. Tignan mo o, 12:00 midnight na." Itinuro ko ang oras sa screen ng car stereo. "Ibig sabihin, isang buwan na ang relationship natin."

"Is it really celebrated? Ang alam ko kasi ay anniversary lang." Natawa siya. "Sorry, though."

"Oo, pero 'di naman kailangang bongga," paliwanag ko. "Sabi ng isang kaibigan ko, isine-celebrate daw ang monthsary kasi bihira na raw ang umaabot ng anniversary sa panahon ngayon. Pero ayokong isipin na gano'n, bitter lang siguro 'yon kaya niya nasabi."

Nagkatawanan kaming dalawa.

"Then, happy 1st monthsary, Sweetheart." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Let's celebrate more and more monthsaries."

Tumango ako at ngumiti. Hindi ko kailangang gawing komplikado ang buhay ko. Hindi ko kailangang malito.

Si Maui talaga ang mahal ko.

***

"I think were good, Florence." Nagkibit-balikat si Sir Frank habang naka-upo at naka-de-kuwatro ang mga binti. May kung anong tinitingnan sa laptop, marahil ang soft copy ng compilation ng mga report na ipinadala ko sa email niya. "We could have this submitted tomorrow."

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon