TEN

1.1K 68 81
                                    

Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Sir Frank iyon. Mukhang galit nga talaga siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"You're not going anywhere," ulit niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "without me."

Bigla rin tuloy akong napangiti. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na hindi naman siya galit.

"Ano, kayo lang?" sabi pa niya.

"Wala naman kaming sinabi na kami lang." Si Sir Maui ang sumagot na bahagya pang natatawa. "Unless you'll allow her to go out alone with me."

"Eh 'wag ako ang tanungin mo." Tumingin nang makahulugan sa akin si Sir Frank.

"Ah, sa tidal pool po tayo." Naisipan ko nang magsalita. Kinabahan ako baka may masabi pang iba itong si Sir Frank. "Ngayon na po ba? Sasabihan ko na po si Bradley."

"After lunch, perhaps." Nagkibit-balikat si Sir Frank.

"Sige po. Kausapin ko lang po si Bradley," paalam ko sa kanila bago ako tumalikod.

***

Buong maghapon ang ginugol namin sa paglilibot mula sa Magpupungko Tidal Pools, Tayangban Cave Pool, at iba pang tourist attractions na nadaanan namin along the way. Halos alas-sais na ng hapon nang matapos kami sa lahat ng pinuntahan namin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe pabalik sa resort. Nagising na lang ako nang may bahagyang yumuyugyog sa akin.

"Florence." Mahinang nagsasalita ang lalaki malapit sa tenga ko. "Nandito na tayo."

Iinot-inot na nagmulat ako ng mga mata. Pero naramdaman kong nakasandal ako sa isang katawan at nakapaloob sa matipunong mga... bisig?

Napabalikwas ako ng upo. "S-Sir Frank!"

"Sabi ko, nandito na tayo," inulit niya iyong sinabi niya pero hindi sana iyon ang hinihintay kong marinig, kundi ang paliwanag kung bakit ako naka-puwesto nang ganoon.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng sasakyan. "N-nasaan po sila?

Dalawa na lang kasi kaming tao sa loob ng van.

"Nagsi-baba na," tila balewala niyang sagot.

Napakunot-noo ako. "Kanina pa po?"

"Hmmm..." Tumingin siya sa suot niyang leather wrist watch. "Around 15 minutes ago."

"15 minutes?!" Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit 'di niyo po ako ginising, Sir?"

"Kanina ka pa namin ginigising, 'di ka naman magising-gising." At idinugtong niya sa mahinang boses, "Sarap na sarap ka yata sa pagkakasandal mo, eh."

Napa-isip ako kung ano ba iyong posisyon namin kanina. Nakahilig ako sa kanya, siguro noong una, sa balikat niya, pero sa pag-andar ng van, nawala doon ang pagkakahilig ng ulo ko at dumausdos papunta sa bandang dibdib niya.

Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya napayuko ako. "Sorry po, Sir. Ginawa ko pa tuloy kayong unan. Sorry po."

Napatawa siya. "Wala naman akong magagawa. By the way, I had my one arm crossed around you para lang 'di ka tumalsik tuwing pumi-preno ang driver."

Tumango-tango ako. "B-bakit po iniwan nila tayong lahat?"

"You won't wake up, so I told them I'll just wait for you to awaken," paliwanag niya.

Lalo akong nahiya. Paulit-ulit akong yumukod. "Naku, Sir. Sorry po. Sorry po talaga."

"Okay lang pero grabe ka pala matulog." Napa-iling siya. "Pinagod ba kita masyado?"

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon