THIRTY

832 42 134
                                    

"It's already all over social media." Humugot ng malalim na paghinga si Maui. "Of all people, it didn't even cross my mind, not even once, that you will do this to us."

"Hindi talaga ako, maniwala ka sa 'kin," paki-usap ko. "Mismong ako ay nagulat kung paanong napunta ang design sa Bermudez."

"If it's not you, then who?" Nagsalubong ang mga kilay niya.

"H-hindi ko alam. Wala...wala akong idea. Hindi ko pa n-nakausap 'yong...'yong manager ng project na 'yon." Nagkandautal-utal ako sa pagsasalita, dulot ng takot sa galit na ekspresiyon ni Maui, at sa kaalamang tila hindi siya naniniwala na wala akong kinalaman sa nangyari.

"I don't think I could trust you now," matigas na sabi niya.

"Pero ang sabi mo sa 'kin, may tiwala ka sa 'kin," halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salita gawa ng pagtitimpi ko na mapaluha. "Na kahit anong gawin ko, hindi ka nangangamba dahil may tiwala ka."

"But that was before." Tumitig siya sa akin, may diin ang bawat salita. "Magkano, Florence? How much did it cost for you to betray not just me but my family?"

Natigilan ako sa narinig ko mula sa kanya. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa 'kin?"

Nakita ko ang bahagyang paglambot ng ekspresyon ng mukha niya. Hinihintay ko siyang magsalita, pero wala siyang sinabi.

"Sana lang talaga may natanggap akong malaking halaga sa nangyaring 'to." Pinalis ko ng likod ng aking kamay ang mga luha ko. "Para naman deserve ko 'yang galit mo."

Tinalikuran ko na siya bago pa ako tuluyang mapahagulgol sa harapan niya. Dumiretso ako sa sakayan ng bus habang pigil na pigil pa na mapa-iyak.

Ano bang nangyari? Bakit naging kasalanan ko na ito? Samantalang ako mismo ay nagulantang sa mga naganap.

Ang mas masakit, ang pinaka-unang tao na alam kong maniniwala, ay siya pang unang tumalikod sa akin. Naiintindihan ko na dismayado siya. Pero para akusahan niya ako na tumanggap ako ng malaking halaga kapalit ng pagsabotahe sa plano ng LDC, sobrang sakit sa kalooban. Parang pinipiga ang puso ko.

Sumakay ako sa humintong bus sa tapat ko. Ni hindi man lang ako pinigilan ni Maui. Hinayaan niya lang talaga akong makalayo, na umuwi nang mag-isa. Nauunawan ko, galit lang siya. Marahil bukas, huhupa rin iyon at mas makapag-uusap kami ng maayos. Baka pakikinggan niya na ako. Baka maniniwala na siya sa akin.

***

"Okay ka na ba, Florence?"

Napalingon ako sa nagsalita habang naglalakad ako sa hallway. Si Ms. Vicky pala.

Huminto ako sa paglalakad upang magkapantay kami, bago ko sinagot ang tanong niya. "Good morning po. O-okay naman na po."

"Bakit ka ba nahimatay kahapon? May sakit ka ba?" tanong niyang walang kangiti-ngiti, bagamat bakas sa boses ang concern. Marahil talagang ganito lamang siya.

"W-wala po." Umiling ako. "P-pero puwede ko po kaya kayong maka-usap?"

Saglit niya akong tinitigan, wari'y inaarok kung ano nga kaya iyong sasabihin ko. "Sige, doon tayo sa opisina ko."

Sa pagkakataong ito ay nauna na siyang lumakad at sumunod ako. Pagdating namin sa opisina niya ay kagyat siyang nagpahanda ng kape at ham and cheese croissant kahit na tumanggi ako.

"Tungkol ba saan itong sasabihin mo?" tanong niya nang maidulot na ang mga pagkain sa harap namin, sabay dugtong na, "Kumain ka diyan para hindi ka hinihimatay."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa huling pangungusap niya, seryoso kasi siya nang sabihin iyon. Pero sinimulan ko na ang pakay ko, "T-tungkol po sa Project Emerald, Ma'am."

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon