CHAPTER 1
“Ma’am eto na po ang coffee niyo...”
“Ibaba mo na lang diyan, asan ang mga papers na pipirmahan ko?”
“Ma’am... wala na po, napirmahan niyo na...”
“Ahh ganun ba... Ok”
Oh... so medyo may clue naman kayo siguro kung anong trabaho ko. Well, nagtratrabaho ako sa isang kompanya, mataas ang posisyon... kakailanganin ba nila ang maganda kong pirma kung hindi? Well, eto ang pinagkakaabalahan ko... ang pumirma ng mga papers, ang gumawa ng mga business plans, ang umattend sa mga seminars at kung ano-ano pa.
At hindi na ako bata... Anyways, I’m Katherine Cruz, 34 years old and still hot. Oo... matanda na ako at hindi ko yun idedeny, age is just a number at least and face hindi pa mukhang matanda. Haha. Love story ko to, bakit mga kabataan lang ba ang pwede magka lovestory? Psh. Hindi pa ba kayo sawa sa mga college and highschool fling stories? Pwes magsawa na kayo :D
Ang buhay ko ay umiikot lamang sa office-house-gym... and also church noh at Oo, hindi siya umiikot sa isang lalake. Bakit kapag lalake ang pinaguusapan siya agad ang pumapasok sa isip ko? It’s been 13 years since that day, hindi ko pa rin siya nakakalimutan... my first love and definitely not my last dahil sa kagagawan ko... baka hanggang ngayon, galit pa rin siya sa akin...
Lemme’ tell a story...
Once upon a time, may isang magandang dilag na inlove na inlove sa isang gwapitong mokong. First boyfriend, first kiss at lahat niyang first ito except the too-toot thing huh. We never did ‘that’.... yeah the greeny thing xD basta yun na yun. Nung naka 5 years na kami, so alam niyo na ako yung tinutukoy kong magandang dilag xD ahahaha. So yun nga nung naka 5 years na kami, nagproprose siya. Pinagkagastusan niya yun and everything but... that time hindi ko alam... napasagot niya ako pero parang 10% lang sa body parts ko ang sumangayon sa marriage proposal na yun. I don’t know... siguro kasi ang dami kong pangrap nun, at fresh graduate pa lang ako nun.
A day before ng kasal namin, umalis ako nun. Pumunta ako ng ibang bansa at walang nakaalam, I just sent him a letter at sabi ko dun, undecided pa ako at masyadong biglaan. Hindi ko pa kayang magpakasal. Nabalitaan kong halos magnervous breakdown daw siya... hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko siyang iwanan ng ganun-ganun na lang, kung kelan malapit na kaming ikasal...
At yan ang pinaka malaking desisyon na pinagsisihan ko...
Sana nagpakasal na lang talaga ako...
Sana hindi ako lumayo...
Sana hinayaan ko na lang ang tadhana ...
Edi sana hindi ko to pinagsisihan ngayon TT_TT
“Ma’am... may appointment po kayo ng 4pm”
Eksena naman tong secretary ko... andun na eh! Emote to the max na eh.
“Anong oras na ba?”
“3:59 po ma’am”
“Wow huh... muntik ng mapaaga yang reminder mo sa akin -_- Ok, Lalabas na ako. Ipahanda mo yung sasakyan”
So yun... aalis na po ako. Hiya naman ako sa inyo eh, busy na nga ako tapos nagkwekwento pa ako sa inyo. AT NGA PALA ! INLOVE PA RIN AKO SA KANYA >///< AT SA TINGIN KO TATANDA NA AKONG DALAGA NG DAHIL SA KANYA!
.
.
.
.
Tatanda ako kakahintay sa taong alam ko namang hindi na muling mapapasaakin -_-
ANG SAKIT LANG!
ENGOT KO KASI EH!
PAPABLES NA, PINAKAWALAN KO PA.
SHUNGA LANG TEH?
BINABASA MO ANG
My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)
RomanceMy first ever short story :) Sana may magbasa....