Chapter 4

552 7 0
                                    

Isang linggo na ang lumilipas pagkatapos kong makita siya uli at isang linggo na rin akong pinapahirapan at pinepeste ng Ethan na yun. Binabawi ko na po ang sinabi kong mahal ko pa siya -_- Kaimbyerna lang.

          Alam ko namang gumaganti lang siya, eh kung ako yun baka hindi lang to ang ginagawa ko noh kaya kahit papaano naiintindihan ko siya. Akala ko nga ipapasisante na niya ako pero syempre hindi kasi gusto niya akong nakikitang nahihirapan, sadista lang di ba? Pwes ipapakita ko sa kanyang mali siya ng binangga, na masyadong maganda ang binangga niya at baka mainlove ulit siya. AHAHAHAHAHAHAHAH xD Conceited much!

          Ang alam ko kasi may secretary siya at ang alam ko nasa mataas din akong posisyon, mas mataas nga lang siya pero sa ginagawa niya sa akin para lang akong puchu-puchung empleyado dito na kung mautos-utusan niya eh wagas-wagasan! ANG SARAP PEKTUSAN SA BALUNBALUNAN EH! Daig ko pa secretary niya, kung sinabi niya na lang kasi na namimiss niya ako xD Hindi naman ako mahirap kausap eh.... eeeehhhh >///<

          Syempre hindi naman ako papatalo sa kanya noh, kaya eto todo ayos ako ng sarili baka sakaling maseduce ko siya at syempre madidistract siya, paawa effect na rin baka sakaling maawa -_-

“Ma’am... tawag po kayo ng CEO” sabi ng secretary ko.

Eto nanaman po kami -_-

“Alam mo wag mo na akong tawaging ma’am -____- kasi dahil sa ginagawa niyang CEO na yan nagmumukha lang akong puchu-puchung empleyado, napakabitter kasi.”

“Oo nga po ma’am, hindi na kayo nakakapagpahinga... daig niyo pa ako.”

“Oo, kaya kung ako sayo wag kang mangiiwan ng groom huh, mararanasan mo ang nararanasan ko.”

Alam na pala ng secretary ko yung kwento namin... close naman kami neto at kakwentuhan ko siya pag wala akong ginagawa dati. DATI! Kasi ngayon, wala na akong free time TT_TT kahit coffee break wala... kaya ang SEXY ko na lalo.

*Tok *Tok

Nasa harap na ako ng pintuan ng halimaw kong CEO na pogi...

“Come in...”

Come in your face -_- psh... palibhasa inlove pa sa akin kaya gusto lagi akong nakikita. CHOS! >.<

Syempre pumasok na ako, alangan namang lumabas ako di ba? At nakita ko nanaman ang gwapo kong ex-fiance pero hindi ako tumitingin sa kanya baka kasi makita niya sa mata ko ang heart shape eh.

“You’re wearing a mini skirt again... Didn’t I tell you to wear decent clothes?”

Oh wag ka! Concern ang lolo mo xD kunyari pa siya... ahahahha. Kinikilig akey >.< ENEBENEMENYEN EH!

“Sir... I’m wearing decent clothes :) Don’t you like it?”

ANO BANG TINGIN NIYA SA SUOT KO? Parang ewan lang -_- Naka corporate wear kasi ako, dress siya na color red tapos maikli lang siya at pinatungan ko ng coat na black na kung may anik-anik na design atb syempre nakahighheels ako at make-up. GANDA KO EH!

“Fine. By the way, may meeting tayo tomorrow morning so make a presentation about sa sales ng company natin last month, kunin mo din lahat ng papers na kailangan kong pirmahan, pakisabihan din ang mga involve sa meeting...”

“Sir, yung totoo? Bakit hindi mo na lang ako gawing secretary mo, ayaw mo nun mas lalo mo pa ako makakasama... -_- daig ko pa kasi secretary mo.”

My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon