Dumaan na ang ilang linggo pero ganito pa rin kami ni Kath, hindi nagpapansinan... nagpapataasan ng pride at nagbabangayan. May panahon ding naging busy ang buong kompanya... ayaw ko man pero kailangan ko siyang utusan, kasi siya ang pinaka may alam sa kompanya since matagal na siya dito. Akala niya nga lahat ng trabaho ko pinasa ko sa kanya kasi tuwing pupunta siya sa office ko nagpPSP ako... pero umaarte lang ako nun kasi pag kaalis niya, gagawin ko na ang mga dapat kong gawin para hindi siya masyadong mahirapan. Gusto ko lang talaga minsan makita siyang napipikon, ganda niya kasi...
Minsan pa ... may nasabi akong hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi... Inutusan ko pa siyang maglinis, wala na kasi akong maisip na palusot nun para mas matagal ko siyang makasama at makita...
Flashback...
“At sino may sabing aalis ka na... linisan mo tong office ko.”
Bigla siyang humarap sa akin at alam kong naiinis na siya nun, gumagaganda nanaman siya... ahahha.
“Sir ang alam ko, may janitress tayo... at ang alam ko din hindi ako janitress dito... so hindi ako obligadong linisin tong kwarto mo. Bakit kaya hindi na lang ikaw, tutal ikaw may gusto ng may magawa ka naman bukod sa paghihirap sa akin. Hiya naman ako sayo eh, ako na lahat gumagawa ng dapat na IKAW ang gumagawa.”
“tapos ka na ba?”
“Hindi pa... at kung pwede ba wag kang bitter. Ilang years na ang nakalipas, pwede ba move on na lang tayo?”
Move on? Akala mo ba ganun kadali yun, kung alam mo lang kung anong pinagdaanan ko para sa lintek na move on na lang yan... kaya bigla na ko na lang nasabi na...
“At sino naman nagsabi sayong hindi pa ako nakakamove-on, Ms.Cruz? Ikaw? Madali ka lang naman kalimutan eh...”
Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga salitang yun na bigla-bigla ko lang nasabi... at halata kong naapektuhan siya sa sinabi ko... hindi kaya...
May nararamdaman pa rin siya sa akin? Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naiisip ko yun...
“Mas mabuti kung ganun, Sir Salcedo. Sorry, i have to go... kailangan ko pang tapusin ang presentation. Magpapapunta na lang ako ng janitress dito.”
Pagkasabi niya nun... tumalikod na siya pero nahagip pa rin ng mata ko ang pagtulo ng luha niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan, matutuwa kasi parang may feelings pa din siya sa akin, masasaktan kasi napaiyak ko nanaman siya...
End of flashback...
Nung araw ding yun nagovertime siya... hindi ko alam na seseryosohin niya yung pinagawa ko sa kanya... wala naman akong magawa, aalis nga pala si daddy bukas. Ay shiz, nakalimutan ko... dahil sa pagkadesperado kong umisip ng dahilan kung bakit ko siya pinatawag eh yun yung nautos ko -_- bwisit lang kaya hinintay ko na lang siya hanggang sa makauwi siya, tawa nga ako ng tawa kasi takot na takot siya... tapos yung namatay yung ilaw ako may kagagawan nun, sa sobrang tawa ko nasandalan ko na pala yung mga switch ng ilaw kaya namatay yun... at yun ang dahilan ng pagkasigaw niya. Paiyak na nga eh, nakakatawa talaga siya... siya lang ang nagpapasaya sa akin ng ganito. Yung gabing din yun dala niya pala sasakyan niya kaya sinundan ko lang siya hanggang sa makauwi siya, mahirap na ... sobrang gabi na din eh. Baka mapano pa siya...
Kinabukasan, pumasok siya ng maaga... ganun din ako. Pero walang magaganap ng meeting kaya para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, at naiinis ako sa sarili ko dahil dun... pinaghirapan pa naman niya yun. Kainis! Pinatawag ko siya sa office ko nun, eh miss ko na eh (__) anong magagawa ko?
“Pinapatawag mo daw ako?”
“May model na ba para sa new product?”
“I don’t know.”
“HINDI MO ALAM!? DI BA IKAW ANG NAKASSIGN DUN?”
Nasigawan ko siya nun... syempre arte lang yun. Kailangan kong umarte ng hindi niya mahalata pero parang may kakaiba sa kanya, namumutla siya at mukhang hindi siya nakatulog...
“Sorry, sir... aasikasuhin ko na lang po.”
“Dapat lang, next week na ang deadline nun, Ms.Cruz at kailangan na ng model kaya kung ako sayo inaasikaso ko na yun.”
“Ok po, sir.”
Ang weak ng boses niya... alam kong may mali. At pagkatalikod niya muntik na siyang matumba kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko..
*DUBDUB
Kinabahan ako dun... may mali sa kanya. May sakit ata siya... at nung pagkalabas niya hindi ako mapakali kaya bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang narinig kong sinagaw ng secretary ko ang pangalan niya at pagkabukas ko nakita ko siyang nakahandusay sa floor at walang malay...
Napamura na lang ako... ako ang may dahilan nito.
BINABASA MO ANG
My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)
RomanceMy first ever short story :) Sana may magbasa....