Ilang araw na akong hatid-sundo ni Chris, mas ok na yun kesa naman daw magcommute ako, konsensya niya pa di ba xD mwahahaha.Minsan lumalabas din kami kapag nabobore ako at minsan kasama din yung iba naming friends. Kaya ayun, pero may nagugustuhan na daw siya ngayong babae, nalove at first sight siya eh... taray di ba... si Ethan naman... ayun sungit-sungitan ang peg. Ewan ko ba dun... haaayyyss.
May time pa nga na pinagbabawalan niya akong sumama kay Chris, sus nagseselos lang yun... kung ano-ano pa sinasabi niya. Hindi ko na lang pinapansin...
“Ma’am... may problema...”
“bakit?”
“galit na galit si sir Ethan kasi... naabutan na ng kakumpetensya natin yung sales natin at may nababalitaang...”
“Ano yun...?”
“May naiissue kasi na...”
“Ano nga...?”
“Kayo daw po yung tumutulong sa kabila...”
“ANO O_O ako?”
“Opo eh...”
“Kaya pinapatawag po kayo ni Sir.”
Dali-dali na akong pumunta dun, sino naman magsasabi ng issue na yun. Psh, porket lagi ko lang kasama... ako agad? Agad-agad...
Pumasok na ako sa office niya...
“Bakit?”
“I guess ypu heard the issue...”
“And so...”
“Sabi ko sayo, layuan mo na yung lalakeng yun di ba?”
“It’s none of your business and please...wag mo akong piliting lumayo sa kanya kasi labasa siya dito.”
“At bakit? Unang una, alam mong kakumpitensya natin ang kompanya. Pangalawa, obligado kang pangalagaan ang image ng company natin pero ang ginagawa mo...”
Hindi ko alam kung point niya... para siyang isang fallacy, he’s missing the point -_- tae...
“Unang una sir, alam kong kakumpitensya natin ang company nila but it doesn’t mean na kailangan ko siyang layuan... pangalawa, mukha bang sinisira ko ang image ng company. OK?”
“Sa ginagawa mo sa tingin mo hindi mo sinisira? Hatid sundo ka niya sa COMPANY KO pa... ang lalakeng may ari ng pinakamalaking kalaban ng COMPANY ko. At ang daming nakakakitang nagdedate kayo... hindi na ako magtataka kung iisipin na ikaw ang tumutulong sa kanya.”
STRIKE ONE! Hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon... pinagsasabi nitong panget na to?
“Wag mong sabihing... naniniwala ka sa sinasabi nila?”
“Bakit may dahilan ba ako para hindi sila paniwalaan?”
Hindi ko alam, parang ang daming bumagsak na bato sa ulo ko nun, unti-unting dinudurog ang puso ko... hindi ko alam kung bakit niya to nasasabi. Of all people, siya ang inaasahan kong magtitiwala sa akin kahit sabihin na may nakaraan kami... alam kong alam niyang hindi ko yun magagawa pero bakit... nagkamali ba ako ng taong pinagkatiwalaan?
Unti-unting pumapatak ang mga luha ko... ganito ba kababa ang tingin niya sa akin?
“Ganyan ba talaga tingin mo sa akin huh? Sa tingin mo talaga tutulungan ko talaga sila ng dahil lang kay Chris huh... sabhin mo nga sa akin, ganyan kababa tingin mo sa akin... porket nakikita mo kaming laging magkasama, yun na ang magiging batayan mo... Huh.”
Ang sakit... hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi masaktan at umiyak.
“Of all people, ikaw ang mas nakakakilala sa akin... ikaw ang alam kong may tiwala sa akin kahit na sabihing nasaktan kita dati. Pero nagkamali ba ako ng taong pinagkatiwalaan? Ethan naman... sa tingin mo tratraydurin ko ang kompanyang pinaghirapan ko din naman? Ethan... 10 years... 10 years ang ginugol ko dito sa kompanyang to, andito ako nung pabagsak na to... andito ako kahit nung mga panahong wala ka pa...”
“Ang sakit lang... sobrang sakit. Ikaw pa ang hindi nagtiwala sa akin, ok sana kung ibang tao ang naghihinala sa akin. Pero ikaw...”
Napatakip na ako sa bibig ko, kahit anong pigil ko sa iyak ko ayaw magpapigil, naguunahan ang mga luha ko... nakita ko lang siya na nakatingin sa akin habang nakatayo...
Eto na...
Eto na ang huling pagiyak ko ng dahil sa kanya...
Ayoko na... masyado ng sakit.
Sabi ko sa inyo... kung hindi siya ang susuko...
Baka ako...
At ngayon...
Eto ang oras na susuko na talaga ako dahil sa sobrang sakit...
Ayoko ng umasa sa bagay na alam kong hindi naman na talaga mangyayari...
Tumalikod na ako... ayoko na siyang makita.
“Wag kang magalala, bukas wala na ako dito... isipin niyo na lahat ng gusto niyong isipin, ilalagay ko na lang sa table mo yung resignation letter ko, kahit wag niyo na akong swelduhan... magreresign na lang ako.”
Tuluyan na akong lumabas ng office niya nun at parang nagtataka namang tinignan ako ng ibang employee, ang blur na ng paningin ko dahil sa mga luha ko , derederecho ako sa office ko...
Hindi man lang niya ako pinigilan...
Hindi man lang niya ako sinundan...
Hindi man lang niya naisip na nasasaktan ako...
Hindi man lang niya naramdaman na siya pa rin ang mahal ko...
Yumuko na ako sa desk ko at umiyak ng umiyak... mamaya na ako magaayos ng gamit ko, bukas... wala na ako sa kompanyang to...
Ang kompanyang pinaghirapan ko din naman...
BINABASA MO ANG
My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)
RomanceMy first ever short story :) Sana may magbasa....