CHAPTER 2
Coffee break, beybeh :) Syempre pati ako nakikicoffee break noh. Tao lang din ako kailangan din ng kape xD pero syempre sa akin starbucks... sa kanila NESCAFE! Susyal susyalan lang ang peg...
“Hoy... anong chika diyan.”
Tanong ko sa mga employee dito, close kasi ako sa mga employee dito at syempre nakikichika din. Mas ok na yun kesa ako ang pinagchichikahan di ba? Pero mababaet naman sila dito at never pa silang nagsisiraan dito.
“Hi, Babes.”
Ayt. Eto nanaman po siya ang walang kasawa-sawa at nakakaasar kong empleyado na kaklase ko dati.
“Hoy baka gusto mong masisante. ARTHURO?”
Boss pa rin naman niya ako -_- pero sanay na rin naman ako sa kanya. Alam ko naman na mula college, eh may gusto na talaga siya sa akin pero ngayon friends na lang kami. May gf na nga siya eh, birubiruan lang namin :D
“Makaarthuro ka naman diyan, joke lang... porket boss kita hindi na pwede magjoke?” sabi ni arthuro. I really like his name, pero arthur talaga name niya.
“OO! Wala kang magagawa kung boss ako at ikaw ay empleyado lang kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko na ipagawa sayo. Bili mo ako house and Lot, ngayon na... BILIS”
“Hoy grabe yan, ako’y isang hamak na empleyado lamang dito...”
“halata nga... psh”
Wala ng magandang nangyayari sa buhay ko -_- dry na dry na... walang kasusta-sustansya. Buti pa mga empleyado ko may mga lovelife, masasaya, fresh at lahat na. Eh ako? Nganga. National nganga everyday ang peg ko.
“Ma’am.. kelan nga pala dadating yung bagong President at CEO natin?”
Sabi nung isang employee...
“I don’t know... bahala sila -_-“
Wa pakels’... bago na kasi ang mamahala nitong kompanya na to. Nabili na kasi ng isang business man kaya ayun, iba na ang presidente at CEO... hindi ko nga alam kung anong mangyayari sa akin at sa ibang andito kung dumating na sila. Madaming pwedeng mangyari, pwede akong masisante, bumaba ang pwesto, ipatapon sa mindanao o kaya pakasalan ng CEO, balita ko kasi binata pa >.< Landots much. Hahaha.
“Sabi pogi daw yung bagong CEO ma’am...”
“Ok lang yun, maganda naman ako.”
Connect di ba? Hahaha. Wala lang
“Osiya... mga babaita at babaito. Tapos na ang coffee break baka gusto niyong magtrabaho na at ng matapos na ang mga gawain? Gusto ko ng magbeauty rest no at makikipagdate pa ako.”
“WEH?”
Wow lang huh, sabay sabay pa talaga silang lahat ng WEH!
“Oo na... joke lang yun -_- wag na kayong umarte diyan. HALA SIGE! TRABAHO NA.”
So bumalik na ng ako dito sa office ko, wala naman ako gagawin kasi tapos ko ng gawin lahat. Ganun na ako, ginagawa ko lahat ng pwedeng tapusin ngayon... kung kaya namang gawin ngayon bakit ipagpapabukas mo pa di ba? At ayoko yung nagcra-cram, masakit yun sa ulo at gusto ko lahat organize, hindi pabigla-bigla xD
Nabuhay ang katawang lupa ko ng biglang nagring ang napakagandang phone dito sa office ko... syempre sinagot ko -_- alangan namang titigan ko lang di ba?
“Hello?”
“Ah.”
“Ahuh.”
“Yes,sir.”
“Ok,Sir”
“Noted”
“Ciao!”
Ahahaha xD Syempre yan lang ang mga sinagot ko, ayoko namang tuluyang dumugo ang ilong ko noh. English eh -_- Ang sabi lang naman niya bukas na daw dadating ang bagong mga boss namin, Well... goodluck na lang talaga sa amin dito. Maghanda daw kami, ayusin daw ang mga office dahil lilibutin nila tong company, bakit nung binili nila hindi nilibot eh noh? Para kung sakaling mapangitan sila edi di nila binili -_- edi sana hindi ako kinakabahan ngayon...
Ewan ko ba bakit masyado akong kinakabahan... judgement day bukas eh -_-
WAAAAAAAAAAAAAAAH! JUDGEMENT DAY xD
Agad? Agad?
At dahil sa ngayon sila darating kailangan handa ako, kailangan mukha akong tao...
So I’m wearing a dress na kulay sky blue... tapos nakacoat ako na white . Imaginin niyo na lang at nakawedge ako ng dark blue :) Mukha akong tao ngayon, syempre onte make-up... pero hindi sobra baka pagkamalan akong bakla.
“ Ma’am dumating na daw sila... nasa labas na po, Ma’am Kath”
*Dubdubdub
*Dubdubdub
Ang bilis ng tibok ng puso ko... hindi ko alam kung bakit. Sa dinami-dami na ng napuntahan kong social gatherings at nakameet na rin ng mga matataas na tao bakit ganito pa rin?
Andito nga pala kami malapit sa entrance, nakaentrance kaming lahat ng mga empleyado pati na rin mga department heads. Basta andito kami at syempre sa gitna dadaan ang mga yun at magbabow kami isa-isa :) Syempre BOSS eh.
Habang wala pa sila... nakayuko lang ako. Sobrang kabado eh, baka pag nakita ng mga empleyado ko pagmumukha ko, baka mahawa sila at kabahan din ng todo.
“Ma’am... andiyan na po sila...”
Pagkasabi nun, bigla akong napatingin sa harap ng pintuang ingrande!
Oh
My
Gosh...
Napako ako sa kinakatayuan ko...
Hindi ako makagalaw...
Huminto ang buong mundo ko...
Posible bang hindi ka makahinga ng ilang minuto? Eh kasi parang hindi na ako humihinga sa sobrang gulat eh...
BINABASA MO ANG
My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)
RomanceMy first ever short story :) Sana may magbasa....