Yung araw na nahimatay siya agad-agad ko siyang sinugod sa ospital, ang pale ng balat niya at nahihirapan siyang huminga nun, sinama ko na dina ng secretary niya kasi sa sobrang taranta ko, hindi ko na alam ang gagawin ko...
Flashback...
“Ano po ang nangyari?”
“Sa tingin ko masyadong pinagod ng pasyente ang sarili niya, hindi rin siya kumakaen ng tama at wala siyang maayos na tulog kaya na over-fatigue siya at literal na nagshut down ang katawan niya, para siyang battery ng cellphone na nadrain, at masama yun... buti na lang at nadala niyo siya agad dito. Kailangan niya lang magpahinga at inumin lahat ng mga irereseta ko.”
“Ganun po ba... salamat po, Doc”
Pinuntahan ko lang siya sa kwarto niya nun at umupo sa gilid niya...
“Kath... mahal pa din kita.”
Yun lang ang nasabi ko... ang tagal ko ng gusto ulit yun sabihin sa kanya pero sa tuwing gusto kong sabihin at iparamdam yun, nauuna ang takot sa akin... takot na baka iwanan niya ulit ako pag nalaman niya at pag ganun ang nangyari baka hindi ko na kayanin...
Habang andun siya, nagleave din ako para nababantayan ko siya... yung mga bulaklak dun akin lahat galing, lahat yun mga paborito niya... pero sabi ko sa secretary niya wag sasabihin... na ako ang nagbabantay sa kanya lagi buti na lang nung nagising siya... nasa labas ako nun para bumili ng makaken at ang nadatnan niya lang dun ay ang secretary niya... hindi na ako pumasok nun at sinabihan ko na rin sa secretary niya na itago ang lahat...
Mula nun inuutusan ko ang secretary niyang icheck kung iniinom ba ni kath yung gamot niya sa tamang oras at kung kumakaen ba siya, may schedule kasi ng paginom ng gamot niya at may kopya ako nun... tinetext ko na lang secretary niya kapag ichecheck ko kung nakainom na siya...
Ilang araw na ang nakalipas, hindi ko na siya masyadong pinapagawa ng kung ano-ano, ngayon niya nameet si Isabelle, ang bestfriend ko na hindi niya kilala pero kilala siya ni Isabelle, kasi lagi ko siyang kinekwento dito. Sinasabi nga sa akin ng secretary niya na nagseselos daw si Kath eh, kaya kinikilig naman ako. I know napakagay... pero wala akong magagawa, yun talaga ang nararamdaman ko eh. Natutuwa din ako kapag nakikita ko siyang nagseselos at hindi maipinta ang mukha.
Ngayon naman pupunta kami sa photoshoot, pinagseselos ko lang siya, nakikisakay lang naman tong si Isabelle, nakikita ko namang naapektuhan si Kath kasi nakabusangot nanaman siya kaso biglang may tumawag sa kanya... at kilala ko kung sino yun. Si Chris -_- i have my connections kaya wag kayong magtaka kung paano ko nalaman. Kakumpetensya ko siya sa puso ni Kath at pati sa business na rin. Pero sorry siya, number 2 lang ang kompanya nila at mananatili silang number 2 habang ako number 1 sa puso ni Kath at number 1 din ang kumpanya.
Habang nasa photoshoot, hindi ko alam na magmomodel din pala tong Kath na to. I was stunned... mesmerized. Shiz, nakatwo-piece lang to... wala akong magawa, gusto siya ng photographer at halata namang nageenjoy siya pero hindi ko hahayaang mapublish yung pictures niya. Ako pa rin ang namamahala sa kumpanya at kung ano ang gusto ko, yun ang masusunod... ako lang pwedeng makakita sa kanya ng ganun. Possessive ako, I know.
That day... nakita ko na naman siyang umiyak ng dahil sa akin. Babaliw-baliw din kasi ako, niloloko ko lang siya, hindi ko alam na masasaktan siya dahil sa ginawa ko...
Nung nakita ko siyang umiyak... unti-unting nadudurog ang puso ko kaya niyakap ko na lang siya pero mas lalong lumakas ang pagiyak niya, hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya, namiss ko to... ang yakapin siya... kung pwede lang hindi ko na siya bitawan... gagawin ko.
Hinatid ko na siya nun, pero hindi siya umiimik... at iniwanan niya lang ako sa sasakyan, ang dami kong sasabihin sa kanya pero katulad dati, nilayasan lang niya ako...
Ngayon... nasa bar ako at nag-iisa... nilulunod na naman ang sarili sa alak kahit na hindi naman ako nalalasing dahil nasanay na rin akong uminom, pero mula noon hanggang ngayon siya pa rin ang dahilan kung bakit pumupunta ako bar na to... I can’t afford to lose her again... hindi ko na kakayanin.
Siya pa din ang mahal ko...
Ang mamahalin ko ...
Hindi ko alam kung paano ko siyang mapapabalik sa akin, pero sisiguraduhin ko hindi din siya mapupunta sa iba... alam ko..
Mahal niya pa ako...
Tama na ang 13 years...
Panahon na para bumalik siya sa akin...
I still love her...
BINABASA MO ANG
My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)
RomanceMy first ever short story :) Sana may magbasa....