Chapter 8 (HIS POV Part 1)

517 8 0
                                    

Andito ako ngayon sa isang bar. Nagulat ba kayo dahil ako ngayon ang magkwekwento... Ako nga pala si Ethan Salcedo at oo ako ang lalaking iniwan na lang bigla ni Katherine Cruz... 35 years old na ako. At kahit ilang taon na ang nakalipas, nasasaktan pa rin ako dahil sa ginawa niya at hanggang ngayon kahit ayaw ko mang aminin, siya pa din ang laman nitong puso ko.

Tama ang nabasa niyo...

SIYA PA RIN...

Ang dami ko ng ginawa para lang makalimutan siya maski na ang sakit na dinulot niya pero wala... siya pa din talaga. Madami ng babae ang dumaan sa buhay ko mula nung iwanan niya ako pero siya pa din ang hinahanap ko.

Kaya sa 13 years na yun, tinitignan ko lang siya mula sa malayo, minamahal ko lang siya ng palihim. Hindi niya yun alam dahil ang alam niya sa ibang bansa ako. Kaya nung nalaman nila dad na binebenta ang kompanyang pinagtratrabahuhan niya eh agad-agad din namin yung binili. SIYA ANG DAHILAN NG PAGBILI NAMIN NUN, kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ang mga magulang ko na kami ang magkakatuluyan...

Nabalitaan ko din na mula nun nalayo na siya sa pamilya niya, nagalit kasi sa kanya ang mga parents niya kaya naging independent siya. Nakita ko siyang maglasing, nakita ko kung paano siya nahirapan sa una pero matapang siyang tao at yun ang hinahangaan ko sa kanya. Nakaya niyang tumayo at magkaroon ng pangalan na wala ang tulong ng kahit na sinong tao. Magisa lang siya lagi... Maski ang coffee shop na lagi niyang tinatambayan niya dati, hindi niya alam na pagmamay-ari ko yun... kaya lagi ko siyang nakikita dun na umiiyak.

Pero bago ko pamahalaan ang kompanyang pinagtratrabahuhan niya, 1 year muna akong namalagi sa ibang bansa dahil kailangan kong magpractice at mag-aral ng pag mamanage, tinuruan na din ako ng dad ko sa pamamalakad ng kompanya. Naghire naman ako ng isang bodyguard para kay Katherine dahil wala na ako sa Pilipinas para bantayan siya, lagi pa naman yun umuuwing mag-isa kapag gabi at mahilig pa siyang magcommute kesa gamitin ang sasakyan niya.

After 1 year, sa wakas nagkita na ulit kami. Sa loob ng isang taon bakit ang bilis naman ata niyang magbago. Mas naging mature at sophisticated siya, halatang halata sa kanya ang pagkagulat ng malaman niyang kami ni dad ang bagong may-ari ng kumpanya... gusto ko siyang yakapin nun. Miss na miss ko na siya pero pinigilan kong ipakita yun sa kanya baka kasi pag nalaman niyang mahal ko pa siya, muli niya akong iwanan. Kaya naging cold ako sa pakikitungo ko sa kanya, hindi ko rin siya nginingitian... halata naman ang pagkabalisa sa kanya kapag nagkakasalubong kami.

At simula din nun, lagi ko siyang inuutusan akala niya siguro gusto ko siyang nahihirapan, kung ako din ang nasa katayuan niya ganun ang iisipin ko... na pinapahirapan ko siya at gumaganti lang ako pero hindi... lagi ko siyang pinapapunta sa office ko kasi gusto ko lagi ko siyang nakikita... miss na miss ko na kasi siya eh... pero nagkukunawari akong masungit at cold sa kanya...

Kapag pumupunta siya sa office ko, para kaming aso’t pusa... pinipilosopo niya lang ako kahit sa mga oras na seryoso talaga ako. Natutuwa naman ako kapag napipikon na siya... ang ganda niya kasi kapag napipikon at nagtataray. Namimiss ko na rin kapag ganun siya...

Hindi ko rin na hinahayaang makapag coffee break siya kasi may epal na empleyadong may gusto sa kanya -_- psh. Yung Arthur na yun, kilala ko yung lalaking yun kasi mula college pa lang alam kong manliligaw na yun kay Katherine, patay na patay kay Katherine kaya nilalayo ko siya dun sa mokong na yun... mahirap na -_- kahit sabihing may girlfriend yun baka agawin niya pa sa akin si Katherine.Tapos hilig pa nung kath na yun na magsuot ng mga maiikling damit, kapag mahaba ang pantaas niya ang ikli naman ng pambaba at pagmahaba ang pambaba, ang ikli naman ng pantaas... bakit ba ganun manamit ang mga babae ngayon? Kainis. Tigas pa ng ulo.

Nababalitaan ko ding hindi na nakakaen si Katherine, lagi kong kinakausap yung secretary niya at oo kakampi ko ang secretary niya, siya lagi kong inuutusan para kay Kath... minsan bumibili ako ng lunch tapos ipapadala ko pero di ko pinapasabi na sa akin galing pero sabi ng secretary niya, sa sobrang busy hindi na daw nakakaen minsan ni Kath. Nagaalala na rin ako para sa kanya...

My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon