Chapter 5

495 8 0
                                    

Ayun, ilang araw na ulit ang lumipas na puro kahirapan ang aking naranasan, hindi ko nga alam kung papaano ko natatagalan. And yung about sa presentation, wala -_- walang nangyari dahil na cancel ang meeting dahil umalis ang presidente ... if i know alam naman talaga ni Ethan na aalis ang dad niya para sa isang business trip eh, gusto lang talaga akong pahirapan ng mokong. Hindi pa kasi amining affected pa kasi sa akin...

Madali ka lang naman kalimutan eh...

Madali ka lang naman kalimutan eh...

Naalala ko nanaman yun, siguro nga hindi na siya affected, pure anger and hatred na lang pala ang nararamdaman niya sa akin. Kung maibabalik ko lang, papakasalan ko siya pero hindi eh, alam naman nating lahat na kahit kelan hindi ko na maibbabalik ang oras na nawala at nasayang. Bakit ba kasi mas inisip ko ang pangarap ko nun kesa sa pagibig. Bakit kasi instinct ko ang sinunod ko hindi ang damdamin?

Maaga akong pumasok ngayon para madami akong matapos, busy kasi kaming lahat ngayon kasi maglalaunch ng bagong product ang company. Kung hindi niyo pala alam, ang company namin ang number 1 sa market when it comes to beauty soaps and shampoos. Kaya ngaragan kami ngayon.

I feel sick, parang ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, siguro dahil na rin sa sobrang pagod to pero hindi kami pwedeng umabsent ngayon kaya heto pumasok pa rin ako.

1pm na at hindi na ulit ako maglalunch... madami pang dapat planuhin at tapusin kaya buong araw andito lang ako at kung ano-ano ang ginagawa, simula nung maging boss na namin si Ethan, hindi na natapos ang kalbaryo ng buhay ko, gustong-gusto niya akong nakikitang nahihirapan kaya wala na rin akong oras para makipagchikahan sa mga employee ko.

“Ma’am Kath, pinapapunta po kayo ng CEO sa office niya.”

“Bakit daw?”

“hindi niya po sinabi...”

“Ok.”

Kaya pumunta na ako sa office ng gwapo kong ex-fiance...

“Pinapatawag mo daw ako?”

“May model na ba para sa new product?”

“I don’t know.”

“HINDI MO ALAM!? DI BA IKAW ANG NAKASSIGN DUN?”

Nahihilo na ako, parang hindi na nagfafunction ang utak ko at nanlalabo na rin at parang umiikot ang paningin ko.

“Sorry, sir... aasikasuhin ko na lang po.”

Onti na lang baka bumagsak na ako ng tuluyan pero hindi ko hahayaan yun, baka sabihin nitong ungas na to na weak ako.

“Dapat lang, next week na ang deadline nun, Ms.Cruz at kailangan na ng model kaya kung ako sayo inaasikaso ko na yun.”

“Ok po, sir.”

Wala na akong lakas para makipagtalo pa... kaya tumalikod na ako at muntik na akong bumagsak buti na lang eh nakahawak ako agad dun sa sofa na malapit sa akin kaya napigilan kong bumagsak, napansin ko namang biglang napatayo si Ethan.

“Are you alright?”

“I am.”

At lumabas na ako pero pagkasarado ko ng pinto hindi ko na napigilin, nagdilim na ang paningin ko at ...

*BLAG

“MA’AM KATH!”

Nawalan na ako ng malay...

My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon