Andito na ako sa ospital ngayon, pumutok na kasi yung panubigan ko...
Andito rin mga magulang ko at mga kapatid pati na rin yung pamilya ni Ethan...
“Hon...”
“Ano... may masakit ba sayo?”
“Wala pa naman... hindi pa masyadong masakit.”
“Buti naman... basta gawin mo lang yung sinabi sayo ni mommy ahh. Kaya mo yan...”
“Hon, wag mo ko iiwan ahh, diyan ka lang sa tabi ko. Pwede ka ba pumasok sa dilevery room?”
“Oo, pwede... wag ka magalala.”
“Hm...”
6 hours din akong naglabor tapos nung feeling kong lalabas na, pinunta na ako sa delivery room...
“ma’am... iri lang po ahh...”
“Ok...”
“AAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”
Iniri ko... kala ko napakadali... shete lang halos maputol na lahat ng ugat ko. Hindi ko alam kung natatae ba ako o hindi xD
“Katherine... kaya mo yan...”
“Hon... ang... hirap”
“Kaya mo yan... andito na lang ako.”
“Ma’am... push pa po” –Doctor
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!”
Ang hirap talaga... nafefeel ko unti-unti na akong nanghihina. Iri lang ako ng iri, nakahawak lang ako sa braso ni Ethan na halos mabali na sa sobrang higpit ng hawak ko... hindi ko na kaya...
Hindi ko na kaya...
“Ethan...”
“Hon, kaya mo yan... onti na lang.”
“Ethan... hindi ko na kaya. Pag... pag may nangyari sa akin... ikaw na bahala... sa kanya...”
“Wag mong sabihin yan, sabay natin siyang aalagaan di ba? Onti na lang hon, onti na lang... kaya mo yan...”
Ngumiti ako...
Hindi ko na kaya...
Nanghihina na ako...
ETHAN’S POV
Ang sakit na ng braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Katherine dito pero alam kong wala pa to sa hirap na nararanasan niya ngayon... ang hirap talaga manganak,,, eto pa nga lang nakikita ko nahihirapan na ko what more pa kaya kapag ako na ang nasa kalagayan niya...
Nakikita kong nanghihina na siya...
“Ethan...”
“Hon, kaya mo yan... onti na lang.”
“Ethan... hindi ko na kaya. Pag... pag may nangyari sa akin... ikaw na bahala... sa kanya...”
“Wag mong sabihin yan, sabay natin siyang aalagaan di ba? Onti na lang hon, onti na lang... kaya mo yan...”
Tapos sumigaw na ulit siya... pero sa huling pagsigaw niyang yun...
Biglang napabitiw ang kamay niya sa kamay ko...
“Hon... Hon... anong nangyari sayo... katherine”
“UWAAA! UWAAA! UWAA!”
Tinignan ko kung saan nanggaling yung ingay na yun, pagkalingon ko nakita ko isang maliit na sanggol na hawak ng isang nurse, isang baby boy... ang anak namin. Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwa... pero may isang ingay ang nagpahinto sa mundo ko...
TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT
Yung linya... bakit biglang naging straight! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko...
“Doc... ang pasyente...”
“Lagyan na siya ng oxygen... bilis... blah... blah... blah”
Ang daming sinsabi ng doctor pero hindi ko maintindihan, nakatingin lang ako kay Katherine habang nakahiga ito at sinasaksakan ng kung ano-ano sa katawan niya... wala akong ibang marinig... kundi yung tunog ng machine na yun na nagsasabing hindi na humihinga ang asawa ko...
“Hindi... hindi pwede tong mangyari”
“Sir... lumabas po muna kayo, kami na po bahala dito...”
Hindi ko alam kung anong nangyayari na sa paligid ko, parang literal na huminto ang mga tao at bagay sa paligid ko, ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay na nanggagaling sa machine na yun na nagsasabing hindi na humihinga ang asawa ko...
Iiwanan mo ba ako ngayon? Iiwanan mo ba kami ng anak mo...
Kung alam ko lang na etong mangyayari...
Wala akong pakealam kung wala kaming anak...
Basta kasama ko siya, kumpleto na ako...
Pero paano ako makukumpleto ngayong wala ka na?
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak at nakikitang nagkakagulo ang mga doctor at mga nurses sa loob...
Kakayanin ko pa ba?
BINABASA MO ANG
My Oh So Papalicious and Hot Ex-Fiance (Complete)
RomanceMy first ever short story :) Sana may magbasa....