Ch25. Crush

19 0 0
                                    

Pagkatapos kumain ay inihatid ko si Jero sa may gate.

"Okay na ako dito. Salamat sa dinner," nahihiyang sabi niya.

Ang cute niya lalo sa paningin ko.

Jero malabs~

"Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo. Kung pwede lang sana, sa ating dalawa na lang yung nangyari kanina," napapayuko kong sabi sa kanya.

"Walang problema. My lips are zipped," sabi niya sa akin at saka ginulo pa ang buhok ko.

Saan niya natutunan ang mga bagay na ito?

Ganito ba talaga siya sa lahat?

Bakit parang never ko naman siyang nakitang ganito sa iba sa lahat ng pagsubaybay ko sa kanya?

Mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan.

"Basta, promise na mas mag-iingat ka na ngayon," sabi niya at saka inilapit sa akin ang kamay niya for a pinky promise gesture.

"Promise," sabi ko at saka kinuha ang kamay niya para ilink ang pinky finger ko sa kanya at para pagdikitin ang mga hinlalaki namin.

"Anong oras mo balak bumalik sa loob? Kanina pa nakaalis yung crush mo," pagbasag ni Kyo sa pagmumuni ko.

Minsan lang mangyari ito kaya sinusulit ko lang. At dahil good mood ako ngayon, wala ako sa mood mainis.

Inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Kyo at isinara naman niya ang gate at sabay na kaming pumasok sa loob.

"Ang saya ko!," sabi ko sa kanya.

"Halata nga," sagot niya at saka niya pa inilock ang pintuan.

"Akala ko ba bakla yung crush mo? Baka naman kambal niya lang yun?," pang-iinis niya.

"Pssh! Huwag ka ngang maingay. Mamaya, may makarinig sa iyo!," pabulong kong saway sa kanya. Mabilis ko siyang dinamba at tinakpan ko kaagad ng kamay ko ang bibig niya.

Sa ganoong akto kami nakita ni Ha Won kaya napangiti ako sa kanya ng alanganin.

Sorry Ha Won. Hindi mo kailangang magselos sa akin dahil magkapatid lang kami ni Kyo.

Gusto ko sanang sabihin iyan kaso straight face lang siyang nagtuluy-tuloy sa kusina para kumuha ng bottled mineral water at saka nagtuluy-tuloy na ulit sa pag-akyat papuntang kwarto niya.

Hala! Nagselos nga ata siya sa akin!

"Kasalanan mo ito eh!," saway ko kay Kyo.

"What? Ako na naman!," pinanlakihan niya ako ng mata at tiningnan ng buong protesta.

Tsk tsk tsk. Napakadense niyo talagang mga lalaki. Nagseselos yung girlfriend mo sa akin, ni hindi ka man lang makahalata.

Tinulak ko siya at saka siya hinila paakyat ng hagdan.

"Ano na naman ba?," tanong niya sa akin at saka bumuntong hininga.

Hay naku. Kailangan ko pa bang iexplain ang lahat?

"Explain yourself. Sabihin mo kay Ha Won na wala siyang kailangang ikabahala," pagtataboy ko sa kanya.

"At bakit ko naman yun gagawin?," reklamo niya pa.

"You are so clueless my friend. My goodness," tatanda ako nang maaga sa batang ito.

"Alam mo, itulog mo na lang iyan," sabi niya sa akin at ako naman ang pinagtulakan paakyat ng hagdan.

Nang makatapat kami sa kwarto ko ay mabilis niyang binuksan ang pintuan at pinagtulakan niya na ako sa loob.

Pambihira-

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon