- U-JIN -
"Hyung!"
Napapitlag na lang ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Dale na nakakunot ang noo sa akin.
"What?"
"Uhmm, paalis na po kasi ang van. Ikaw na lang po ang hinihintay kamahalan," sarcastic niyang sagot sa akin at doon ko lang naaalala na may pupuntahan nga pala kami.
Laban ngayon nila Caleb sa Basketball at ilang araw na rin simula nang makausap ko si Andrei. I don't know why but she felt stranger as days passed. Kung dati ay madalas niya akong kausapin as Ha Won. Ngayon, halos hindi niya na ako kinakausap maliban sa mga simpleng hi at hello. Madalas na rin siyang wala sa bahay.
Hindi kaya nakakahalata na siya? Or alam niya na?
"Hyung! Ilang beses ka bang mag-i-space out? Naandito na tayo o. Let's go!," hatak sa akin ni Dale.
Naandito na pala kami?
"Bakit ngayon lang kayo? Mag-start na yung game," bati sa amin ni Dustin. Nauna silang dumating nila Max at Axel.
"Si Sean?," tanong niya sa amin habang sinisilip ang likod namin.
"Ahh susunod daw siya. Ipagreserve na lang natin. Let's go!," sagot ni Dale at sabay niya na kaming hinila ni Dustin.
〰️〰️〰️➰➰➰〰️〰️〰️
"Black Gate pala ang kalaban natin? Compared sa Red Gate at Blue Gate, hindi hamak na mas mahigpit ang defense at offense nila. Though tayo ang nanalo last match, marami na sa mga seniors natin ang gumraduate," kumento ng mga nakaupo di kalayuan sa amin.That's true. Kaya naman napasa ang pagiging Captain Ball kay Caleb bagamat 2nd year palang siya dahil siya na lang ang natitira sa original team of regulars. Though isang prodigy sa basketball si Caleb at marami na siyang experience sa paglalaro dala na rin ng pagiging captain ball at point guard simula high school, iba pa rin kapag senior ang nakaupo sa position. Dahil sa pagiging sophomore, madalas siyang balewalain ng mga kagrupo niya na mas may edad sa kanya.
How will you handle the pressure, Caleb?
"Pansin niyo bang may iba kay Caleb ngayon?," pukaw ni Max sa amin habang nanatiling nakatingin sa court.
Iba?
Tiningnan namin si Caleb at mukha ngang mainit ang ulo nito at aburido. Kadalasan ay kalmado lang ito sa paglalaro at hindi nagpapakita ng emosyon pero sa nakikita namin ngayon, mukhang ilang minuto na lang ay pipitik na siya.
Nakita kong parang kinakausap siya ni number 12 habang nakangisi at hindi man niya ipahalata ay pansin ko ang bahagya niyang pagtigil, dahilan para malagpasan siya nito.
"Ano ba iyan?! Ayusin mo naman Captain!"
"Abutan niyo kasi ng snickers!"
"Ano?"
"You're not you when you're hungry, di ba?"
"Grab a snickers! Ahahaha!"
"Kung bakit kasi bata ang captain natin eh!"
Mapang-uyam na kumento ng mga nasa paligid namin.
Caleb, what is happening to you?
"Ang yayabang ng mga ito. Akala mo maalam magbasketball. Baka nga hindi makapagshoot yung mga iyan-"
"Yeah. Tandaan mo yung mga mukhang iyan na aabangan natin sa labas," sagot ni Max kay Dale.
"Don't mind them guys but what's with Caleb? And what's with them? Hindi naman siya madaling madala ng mga provocations," says Dustin.
"They need a time out," says Axel.
"Indeed," I affirmed.
"Caleb gising!," sigaw ni Dale.
He really need to wake up. Kaunti na lang at mahahabol na sila ng kalaban.
〰️〰️〰️➰🔵➰〰️〰️〰️
Naandito kami ngayong pito sa bench. Nakaabot si Sean bago matapos ang first quarter. Kanina pa tapos ang laban at kanina pa rin walang imik si Caleb habang nakasandal sa upuan at may takip ang mukha ng bimpo. Hindi namin alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
"Bro-" lalapitan sana siya ni Dale pero inawat ito ni Axel.
Walang umiimik sa amin hanggang sa tumayo si Caleb. Mukhang nahimasmasan na siya kumpara kanina pero halata pa rin dito ang inis.
"Tara sa clubhouse?," alinlangang tanong ni Max. Nagsitanguan lang naman kami at sabay-sabay nang lumabas ng gymnasium.
02152022
BINABASA MO ANG
Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)
Mystery / Thriller| P A R T 1 - C O M P L E T E - U N D E R . E D I T I N G | "Fake it until you make it." Most of us in this new era were deceived by this lie that has already destroyed many lives. We choose to hide the face of reality under the mask of betrayals an...